VeritasPH

The Word, The Truth

Maagap na pagliligtas sa kabataan laban sa HIV at AIDS

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan na bilang batas ang Republic Act No. 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.Magsisilbi itong kumprehensibong patakaran upang sugpuin ang paglaganap ng HIV/AIDS sa bansa at upang palakasin ang serbisyong ibinibigay sa mga kababayan nating may ganitong medikal na kondisyon.

Napapanahon ang batas ayon sa Department of Health o DOH lalo pa’t isa ang Pilipinas sa mga bansang may mabilis na pagdami ng kaso ng HIV/AIDS. Sa datos ng Philippine National AIDS Council, mula noong 1984, aabot na sa mahigit 50,000 kaso ng HIV ang naitala, at mahigit kalahati sa mga ito ay naitala nitong huling limang taon. Karamihan sa kanila ay mga millennials o ang mga edad 15 hanggang 34. Mahigit 2,500 naman na ang naitalang namatay dahil sa dahil sa HIV.

Sa ilalim ng bagong batas, bibigyan ng libreng anti-retroviral treatment at gamot ang lahat ng may HIV. Ituturo rin sa mga paralan ang pag-iwas sa HIV at sexually-transmitted illnesses sa paraang angkop sa edad ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga parents-teachers organizations, bibigyan ng gender-responsive at age-sensitive education ang mga magulang tungkol sa HIV/AIDS.  At dahil pabatâ nang pabatâ ang mga nagkakaroon ng HIV at bilang pagkilala rin sa kapasidad ng mga batang mag-isip at magpasya para sa kanilang sarili, may probisyon sa bagong batas na pinahihintulutan ang mga kabataang 15 hanggang 17 taóng gulang na magpa-HIV testing at makakuha ng serbisyong katulad ng counseling at mga gamot kahit walang pahintulot ng kanilang mga magulang o parental consent. Ang mas bata sa 15 taóng gulang na buntis at may panganib na makakuha ng HIV at AIDS ay maaari ring magpasuri nang walang parental consent ngunit kailangang may kasama silang social worker o health worker. Idinagdag ang mga probisyong ito dahil natatakot ang karamihan sa mga kabataang magsabi sa kanilang mga magulang kung may hinala silang may HIV at AIDS sila at kung gusto nilang magpasamang magpa-testing. Dahil sa pangambang ito, hindi sila nada-diagnose nang maaga at nakakukuha ng tamang tulong bago pa lumala ang kanilang kondisyon.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang Simbahang Katoliko ay isa sa mga pangunahing institusyon sa buong mundo na nagbibigay ng tulong at kalinga sa mga kapatid nating may HIV. Sinasabing galing sa Simbahang Katoliko ang 25% ng mga HIV services sa buong mundo. Halimbawa, ang Caritas Internationalis, isang kompederasyon ng mga Katolikong organisasyon sa buong mundo, ay nakikipagtulungan sa Joint United Nations Programme on HIV/AIDS o UNAIDS sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga batang naapektuhan ng HIV. Noong Disyembre 2018, nanguna ang Vatican at Caritas Internationalis sa isang diyalogong dinaluhan ng mga doktor, kinatawan ng mga pharmaceutical companies, at humanitarian agencies upang magplano para sa pagpapabuti ng pangangalaga sa mga bata at mga kabataang positibo sa HIV. Kasama sa mga napagkasunduan ang pagpapalawak ng HIV testing. Naniniwala ang Caritas Internationalis na maililigtas ang buhay ng mga batang may HIV kung maaga silang masusuri at kung mabibigyan sila ng mabisang gamot.

Noong nabubuhay pa si St. John Paul II, lumalapit siya at niyayakap niya ang mga kapatid nating may AIDS upang iparamdam sa kanila ang pagmamahal ng Diyos. Ito pa rin ang turo ng Simbahan—ang tulungan, kalingain, at mahalin, sa halip na husgahan, ang mga may HIV/ AIDS. Sa tuwing hinuhusgahan natin sila, ipinagkakait natin sa kanila ang pagkakataong malaman ang kanilang tunay na kondisyon, makapagpagamot, at makakuha ng serbisyong kailangan para sa kanilang paggaling.

Mga Kapanalig, dasal natin ang maayos na pagpapatupad ng Philippine HIV and AIDS Policy Act nang maagap nating mailigtas ang kabataan laban sa HIV at AIDS.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,293 total views

 6,293 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,829 total views

 13,829 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,815 total views

 29,815 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,860 total views

 37,860 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,940 total views

 42,940 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,294 total views

 6,294 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 13,830 total views

 13,830 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 29,816 total views

 29,816 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 37,861 total views

 37,861 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 42,941 total views

 42,941 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,375 total views

 43,375 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,161 total views

 45,161 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,086 total views

 42,086 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,400 total views

 56,400 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,090 total views

 60,090 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,693 total views

 58,693 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,680 total views

 68,680 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,648 total views

 72,648 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,535 total views

 83,535 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,974 total views

 95,974 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top