Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magbigay buhay sa ibang tao

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Ipinaalala ng kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga bilanggo sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison o NBP na anuman ang kanilang mga naging kasalanan ay tuloy pa rin ang buhay.

“At iyon po ang mensahe ng pag-asa para sa ating lahat lalo na po sa inyo na mga residents dito. Habang may buhay, may pag-asa at pagsikapan po natin. Okay. Kung nagkamali, hindi iyan katapusan ng buhay,”paalala ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang mensahe ng pasko ay pahalagahan ang buhay ng tao dahil kahit si Hesus na anak ng Diyos ay naging tao upang ipaalam ang kahalagahan ng ating buhay.

Inihayag ni Kardinal sa mga bilanggo na anuman ang pagkakamali, pagkakadapa na nangyari sa ating buhay ay mahalaga pa rin ang buhay upang makapagbigay buhay sa ibang tao.

“Mga kapatid nakikiusap po ako sa inyo, anuman ang naging pagkakamali, anuman ang naging pagkadapa, kahit na nasadsad, sugat-sugatan at duming-dumi, hindi pa po tapos ang lahat. Gusto ng Diyos na ang buhay na ipinagkaloob sa atin ay mamunga upang kayo ay makapagbigay buhay naman sa iba,” paalala ng Kardinal sa mga bilanggo.

Hinimok ni Kardinal ang mga nasa loob ng bilangguan na pasalamatan ang Diyos dahil marami silang pagkakataon na binibigyan ng Diyos na makapagbagong buhay upang pagdating ng panahon ay maging inspirasyon at gabay ng iba sa kanilang buhay bilang tao.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle ang maraming pagkakataon na ang isang patapon at walang silbing buhay ay naging inspirasyon sa iba dahil nabigyan siya ng pagkakataon na tanggapin ng iba na makapagbagong buhay.

“May nakilala akong isang street child,isang binatilyo, pipi at bingi. Sabi po noong social worker at pari, ang bata ay dumating doon sa shelter para sa mga street kids, itong batang ito barumbado dahil siguro bingi at pipi dahil hirap na ipahayag ang nararamdaman niya. Bukod doon ang kilos noong bata ay napaka bayolente, violent, napakarahas. Pero ngayon inaalagaan na niya ang mga batang naka-wheelchair, siya ang nagpapakain, siya ang nagtatayo. Yung buhay na parang patapon na, ngayon namumukadkad at naipapasa, nagbibigay buhay siya at pag-asa sa iba,” pagbabahagi ni Cardinal Tagle.

Iginiit ni Cardinal Tagle na mahalaga ang buhay na kailangang padaluyin at magbigay buhay sa iba sa halip na kitilin.

“Nagkamali ka, ang tingin ng ibang tao masama ka wala kang karapatang mabuhay, mabuti pa mawala ka sa mundong ito. Pero hindi, buhay yan at ang buhay may pag-asa at ang pagasa na yan padaluyin para magbigay buhay pa sa iba,” paalala ni Cardinal Tagle sa mga bilanggo sa misang alay sa ika-80 taong kaarawan ni Pope Francis.

Noong ika-17 ng Disyembre, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isang Thanksgiving Mass bilang pamaskong handog sa 133-bilanggo na nakatapos ng isang taon sa programa ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry at regalo kay Pope Francis sa kanyang ika-80 kaarawan sa loob ng Maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa city.

Read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-nagdaos-ng-thanksgiving-mass-sa-new-bilibid-prison-para-sa-kaarawan-ni-pope-francis/
http://www.veritas846.ph/homilyhis-eminence-luis-antonio-cardinal-taglemaximum-security-compoundnew-bilibid-prison/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 6,601 total views

 6,601 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 15,126 total views

 15,126 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 27,574 total views

 27,574 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 62,591 total views

 62,591 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 69,378 total views

 69,378 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 36,547 total views

 36,547 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 36,557 total views

 36,557 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 36,575 total views

 36,575 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top