Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

SHARE THE TRUTH

 45,001 total views

Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni Pope Paul VI halos limampung taon na ang nakararaan. 

Fast forward sa panahon natin ngayon, nananatiling malakas ang panawagan ng ating Simbahan para maghari ang kapayapaan sa ating mundo. Sa kanyang unang araw ng Linggo ng pagharap sa mga mananampalataya sa St Peter’s Square, pinuná ni Pope Leo XIV ang mga alingasngas ng ikatlong digmaang pandaigdig. Nataon ang pahayag niyang ito sa ikawalumpung taóng anibersaryo ng World War II. Ang malagim na yugtong ito sa kasaysayan ng mundo ay nag-iwan ng 60 milyong kataong patay. Ayaw na nating itong maulit. “No more war!” pagsusumamo ng bago nating Santo Papa. 

Pero patuloy ang digmaan sa iba’t ibang lugar. 

Mahigit tatlong taon na ang marahas na pananakop ng Russia sa Ukraine, bagay na pilit pinipigilan ng Ukraine sa tulong ng mga bansang kaalyado nito. Iginigiit kasi ng Russia na teritoryo nito ang ilang bahagi ng Ukraine. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hinamon ng presidente ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin na harapin siya sa bansang Turkiye para pag-usapan na kung paano tatapusin ang giyera. Bukás daw si Pangulong Zelensky na makipag-usap sa pinuno ng Russia kung papayag ang huli na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan. Ceasefire din ang gustong mangyari ng mga maiimpluwensyang bansa sa Europa. Suportado naman ng Estados Unidos ang pag-uusap ng mga lider ng mga nagkakairingang bansa. Libu-libong buhay na ang nawala dahil sa pananakop: mahigit 230,000 katao na sa panig ng Russia at mahigit 70,000 naman sa panig ng Ukraine.

Samantala, patuloy din ang paghahasik ng lagim ng Israel sa Gaza Strip. Deka-dekada na ang hidwaan ng mga Israeli at mga Palestinians na nag-aagawan din sa teritoryo, pero lumalâ ito noong 2023 matapos atakihin ng grupong Hamas ang isang music festival sa Israel. Sa halip na tugisin ang mga miyembro ng Hamas, kinubkob ng Israel ang Gaza. Halos pulbusin na ng pambobomba ng Israel ang Gaza. Kahit mga paaralan at ospital, hindi pinalampas. Ang mga bata, babae, at matatanda, kasama sa mga tinatarget. Lantarang genocide o malawakang pagpatay na sa mga sibilyan ang nangyayari sa Gaza. Kontrolado ng Israel ang mga daang papasók sa Gaza kaya hindi makarating ang pagkain, tubig, gamot, at gasolina sa mga nangangailangan. Sa tala ng gobyerno ng Gaza, hindi bababa sa 50,000 na Palestino na ang napatay—o sadyang pinatay.

Kamakailan, tumaas naman ang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan, dalawang bansang may matagal na ring isyu sa pinag-aagawang teritoryo. Nagpalitan ng atake ang dalawang bansa pagkatapos mapatay ang 26 na Hindu tourists sa Kashmir na nasa ilalim ng kontrol ng India. Inatake naman ng India ang tinawag nilang “terrorist infrastructure” sa Kashmir na nasa ilalim naman ng kontrol ng Pakistan. Mula noon sunud-sunod ang palitan ng putukan, drone attacks, at pambobomba ng dalawang bansa. Nakatatakot na mauwi sa giyera ang hidwaan ng India at Pakistan dahil kapwa silang may kakayahang gumamit ng nuclear weapons. Sa panghihimasok ng Amerika, nagkasundo ang dalawang bansa na magkaroon ng ceasefire, pero may mga pagsabog pa ring isinasagawa ang magkabilang panig.

Mga Kapanalig, kahit malayo tayo sa mga bansang may kaguluhan, tandaan nating maaapektuhan pa rin tayo ng mga pangyayari doon—magkakaugnay ang ating mga ekonomiya, magkakarugtong ang ating pulitika, at magkakapatid tayo sa mata ng Diyos. Samahan natin si Pope Leo XIV sa pagdarasal para maghari ang kapayapaan at, ‘ika nga sa Isaias 2:4, para ang “mga bansa’y ‘di na mag-aaway at sa pakikidigma’y ‘di na magsasanay.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,120 total views

 13,120 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,764 total views

 27,764 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,066 total views

 42,066 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,768 total views

 58,768 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,633 total views

 104,633 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,121 total views

 13,121 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,765 total views

 27,765 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,067 total views

 42,067 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,769 total views

 58,769 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top