180 total views
Ito ang Christmas message ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngayong taong 2016.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagbibigay halaga sa mga kapuspalad ang tunay na diwa ng pasko.
Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang pasko ay paalala ng pagtanggap sa mga nauuhaw, nagugutom, mga walang tahanan, mga maysakit at mga bilanggo.
Inihayag pa ng Kardinal na ang tunay na pagtanggap kay Hesus ngayong pasko ay pagpapahalaga sa mga maliliit sa lipunan.
“Will there be room for Jesus in our heart, homes, neighborhoods and nations this Christmas? Let us welcome Jesus in the hungry, thirsty, homeless, sick, naked and prisoners so that one day we may enjoy the hospitality of God, come, inherit the Kingdom prepared for you.”
Sinabi ni Cardinal Tagle na likas na sa mga Pilipino ang pagiging hospitable kung kayat hindi lamang ang mga materyal na bagay, mamahaling gamit at mararangyang appliances ang magkaroon ng puwang sa ating mga tahanan kundi ang mga mahihirap na nangangailangan ng ating pagkalinga.
“We Filipinos claim that hospitality is second-nature to us. We make strangers or guests feel at home in our company. Our home becomes their home. Hospitality enables us to expand our home so that no one could say there was no room for them. Christmas is a reminder of hospitality denied by people but reversed by the merciful hospitality offered by God. I pray that our Christmas may make us more hospitable or welcoming to others, especially the poor and needy. Will we make room for them?”
Inihayag naman ni Kalookan Bishop Virgilio Pablo David na ang pasko ay panunuluyan na pagtanggap sa Diyos.
see: http://www.veritas846.ph/christmas-message-bishop-pablo-virgilio-david/