Magpakatao at maging bahagi ng katarungan sa lipunan, panawagan ng Obispo sa mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Ito ang panawagan ni San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga mag-aaral.

Paliwanag ng Obispo hindi lamang karunungan ang mahalaga kundi ang pagpapakatao at maging Bahagi sa kaayusan at katarungan ng lipunan.

Inihabilin naman ni Bishop Mallari sa mga estudyante ang pagbubukas ng loob at pagtanggap sa Banal na Espiritu upang maging gabay sa kanilang paglalakbay bilang mga mag-aaral.

Kaugnay nito, mahigit sa pitong libong bagong estudyante ng Univeristy of the Santo Tomas (UST) ang dumaan sa Arch of the Centuries-isang matandang tradisyon ng paaralan bilang pagbati sa mga bagong miyembro ng Thomasian community at hudyat ng pagsisimula ng buhay estudyante.

Ang Arch of the Centuries ay ang sinaunang pintuan ng paraalan noong ito pa ay nasa Intramuros, Manila na isang simbolo ng pagsisimula.

Pinangunahan ni UST vice-rector Rev. Fr. Richard Ang, OP ang banal na misa na dinaluhan ng mga freshmen grade 11 students na ginanap sa Quadricentennial Pavillion.

Sa homiliya, binigyan diin ng pari ang iba’t- ibang mga pagsubok sa pag-aaral na maaring harapin ng bawat estudyante na dapat malagpasan para sa hinahanap na tagumpay.

“I am climbing my mountain, I will do it. I will make it. You will see it,” ayon kay Fr. Ang bilang mensahe sa mga bagong mag-aaral ng UST.
Pinaalalahan din ni Fr. Ang ang mga mag-aaral na maging bahagi ng pagbabago ng lipunan hindi lamang sa karunungan kundi ang pagkakaroon ng puso para magmalasakit sa kapwa.

Ayon pa kay Fr. Ang, “You’ve got to have a big heart, you have to think, feel and you have to do something.”

Ang UST ay binubuo ng higit sa 40 libong mag-aaral, kabilang na dito ang may pitong libong estudyante na pumasok para sa senior high school.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,929 total reads

 75,929 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,224 total reads

 154,224 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,671 total reads

 187,671 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,968 total reads

 222,968 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,449 total reads

 446,449 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top