Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maharlika Investment Fund

SHARE THE TRUTH

 453 total views

Mga Kapanalig, umabot ng hanggang alas-dos ng umaga noong nakaraang Miyerkules ang sesyon ng Senado tungkol sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (o MIF). Pirma na lang ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.  

Unang lumutang noong Disyembre ang tungkol sa pagbubuo ng tinatawag na sovereign wealth fund o pondong pagmamay-ari ng gobyerno na maaaring gamitin nito upang mamuhunan at nang sa gayon ay kumita. Ang kita mula sa mga investments ay ipandadagdag sa panggastos ng gobyerno para sa mga mahahalagang proyekto at programa nito. Sa ibang bansa, ang isang sovereign wealth fund ay mula sa surplus revenues nito o kapag may labis sa pondo ang gobyerno matapos gastusan ang mga dapat pagkagastusan.  

Sa ngayon, walang surplus revenues ang ating gobyerno. Baon pa nga tayo sa utang. Sa ulat ng Bureau of Treasury, ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Abril ay umabot na sa 14 trilyong piso! Kung hahatiin ang halagang ito sa estimated na populasyon ng Pilipinas ngayong taon na 112.9 milyon, may utang ang bawat isa sa atin na ₱123,224. Kung paghahatian naman ito ng 27.5 milyong pamilya, bawat pamilya ay may tumataginting na utang na ₱505,219. 

Sa panukalang batas na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang pondong bubuo sa MIF ay magmumula sa mga bangkong pag-aari ng gobyerno katulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Gagamitin din ang dibidendo ng Bangko Sentral. Una nang inalmahan ng marami ang plano noong gamitin din ang pension funds ng SSS, GSIS, PhilHealth, at PAG-IBIG Fund, kaya naman, inalis na ang mga ito sa huling bersyon ng panukalang batas.  

Ngunit hindi naman pinipigilan ang mga korporasyong ito na magpahiram ng pera sa MIF. Nariyan pa rin ang pangambang sumali sa MIF ang mga ahensyang nangangasiwa sa mga kontribusyon ng mga manggagawa at sa kanilang pensyon. Nangangamba rin ang mga kritiko ng MIF na magagamit ang kaban ng bayan upang saluhin ang MIF sakaling malugi ito. At kapag ganito ang mangyayari, mapipilitan ang gobyernong magpataw ng mas mataas na buwis o umutang nang mas malaki. 

Bakit kaya kating-kati ang ating mga mambabatas na itatag ang Maharlika Investment Fund? 

Hindi tayo magtataka kung may halong pulitika ang pagkakapasa ng naturang panukalang batas. Nang sinabi ni PBBM nitong Mayo lamang na “urgent” ang panukalang batas—ibig sabihin, kailangan nang maipasa sa lalong madaling panahon—agad na tinalakay ng mga senador ang MIF kahit pa inabot sila nang madaling-araw. 

Kung magpapakitang-gilas na rin lang ang ating mga mambabatas, mas pagtuunan sana nila ng pansin ang pagpasá ng mga batas na tutugon sa mga kagyat na pangangailangan ng mga Pilipino. Kabilang dito ang pagtataas ng minimum wage, pagbura sa kakulangan natin ng mga silid-aralan at mga guro, pagpopondo sa mga programang pangkalusugan at pangkalikasan, at pagpapababa sa ating utang. Sa ganitong paraan, mas makukuha nila ang buong tiwala ng taumbayan, bagay na mukhang kulang—o wala—sa pagmamadali nilang itatatag ang MIF. 

Mga Kapanalig, minsang sinabi ni Pope Francis na kailangan natin ng mga “wise politicians”, mga pulitikong marunong at masinop sa pondong ipinagkakatiwala sa kanila ng taumbayan. Dumami sana ang mga ganitong lider sa ating bayan. Paalala pa sa atin sa Mga Kawikaan 29:2, “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya.” Panatag tayong mga mamamayan kapag mapagkakatiwalaan natin ang ating mga pinuno. Mas susundin natin ang mga batas, mas makikilahok tayo sa mga usaping-bayan, at mas mag-aambag sa kaunlaran ng ating komunidad. Sa isyu ng MIF, malaking trabaho ang gagawin ng ating mga lider upang makuha ang buong tiwala ng taumbayan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 55,416 total views

 55,416 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 67,133 total views

 67,133 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 87,966 total views

 87,966 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 103,587 total views

 103,587 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 112,821 total views

 112,821 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 55,417 total views

 55,417 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 67,134 total views

 67,134 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 87,967 total views

 87,967 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 103,588 total views

 103,588 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heat Wave

 112,822 total views

 112,822 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 76,394 total views

 76,394 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Plastik at eleksyon

 84,453 total views

 84,453 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 105,454 total views

 105,454 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Service

 65,457 total views

 65,457 total views Saan mang panig ng mundo, hinahangaan tayong mga Pilipino lalu na ang mga Filipino Migrant workers o mga Overseas Filipino Workers (OFW). Sinasaluduhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Record High

 69,149 total views

 69,149 total views Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heads Will Roll

 78,730 total views

 78,730 total views Here we go again! Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Negative campaigning

 80,392 total views

 80,392 total views Mga Kapanalig, walang nagbabawal sa mga kandidato ngayong eleksyon o sa kanilang mga tagasuporta na magsagawa ng tinatawag na “negative campaigning”. Tugon ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to mining

 97,723 total views

 97,723 total views Mga Kapanalig, inanunsyo noong nakaraang linggo ng Maharlika Investment Corporation, ang investment company na pagmamay-ari ng gobyerno, na magpapautang ito para sa isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa armas at bala

 73,706 total views

 73,706 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pangunahing aksyon ng ikalawang administrasyon ni US President Donald Trump ay ang pag-freeze sa mga proyekto ng United

Read More »
Latest News
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasaan Napunta Ang Pera?

 66,561 total views

 66,561 total views Kapag pera ang pag-uusapan, ito ay magulo…lumilikha ng hindi pagkakaunawaan, nang away. Taon-taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet ng Pilipinas, nag-aaway ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top