BEC, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,644 total views

Kinilala ng opisyal ng simbahan ang tungkulin ng munting pamayanan sa pagpapatatag ng misyon ng simbahan.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona malaki ang tungkulin ng Basic Ecclesial Communities o BEC sapagkat dito makikita ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kristiyanong pamayanan.

“Ang simbahan ay hindi lamang ang masa o ang maraming tao kundi mga konkretong mga tao na kilala ang isa’t isa…at ito ay nangyayari at nagagampanan sa pamamagitan ng isang munting pamayanang kristiyano o Basic Ecclesial Community kaya ito ay tinatawag na isang bagong pamamaraan ng pagiging simbahan.” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.

Giit ng obispo na sa tulong ng BEC ay napapaigting ang misyon ng simbahan sa bawat pamayanan upang makamit ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay tungo kay Hesus.

Sa nagdaang pandemya kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang BEC dahil sa ginampanang tungkuling pinanatiling buhay ang simbahan sa kabila ng lockdown na ipinatupad sa buong mundo.

Sa isang pahayag ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang chairman ng CBCP-BEC, bagamat naging sarado ang mga bahay dalanginan mas tumibay ang pananampalataya at ugnayan ng tao sa Panginoon dahil sa pagsisikap ng BEC na ipagpatuloy ang gawain sa kapitbahayan.

Dahil dito iginiit ni Bishop Mesiona na ang BEC ang isang instrumento ng simbahan upang abutin ang nasasakupan lalo na sa mga kanayunan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity Sunday ay ipinagdiwang ng bansa ang BEC Sunday upang bigyang diin ang munting pamayanang nagsisikap para itaguyod ang misyon ni Hesus sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 23,696 total views

 23,696 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 73,710 total views

 73,710 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 69,579 total views

 69,579 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,371 total views

 105,371 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 112,672 total views

 112,672 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top