Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DOH, naalarma sa tumaas na kaso ng CKD sa bansa

SHARE THE TRUTH

 1,490 total views

Tiniyak ng Department of Health ang patuloy na pagtugon sa mga pasyenteng mayroong chronic kidney disease (CKD).
Ayon kay DOH-Disease Prevention and Control Bureau, Chronic Non-communicable Diseases and Risk Factors Team focal, Dr. Julie Mart Rubite, mahalaga ang early detection ng CKD upang maiwasan ang malalang epekto nito sa katawan.
Sinabi ni Rubite na kapag hindi agad naagapan ang CKD, maaari itong magdulot ng komplikasyon tulad ng End Stage Renal Disease o kaya’y humantong sa pagkasawi.

“Ang Kagawaran ng Kalusugan ay patuloy na magbibigay serbisyo para sa mga naaapektuhan ng sakit na ito. Bilang tugon sa “Sulong Kalusugan”, patuloy nating hinihikayat ang ating mga kababayan, lalo na ang mga high-risk, na dumulog sa kanilang primary health care providers o health centers para magpasuri at maagang ma-screen sa sakit na CKD.” pahayag ni Rubite.

Batay sa ulat ng National Kidney Transplant Institute noong 2021, hindi bababa sa pitong milyong Filipino ang mayroong CKD, kung saan isa sa bawat Filipino kada oras ang nagkakaroon nito.

Bagay na ikinabahala naman ni Philippine Society of Nephrology, STOP CKD Advocacy Head Dr. Vimar Luz, sapagkat kabilang ang CKD sa limang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa, kasama ng Diabetes, Hypertensive Heart Disease, at Stroke.

“This data is alarming because of two reasons: Diabetes and Hypertension rank as the top two causes of CKD and cardiovascular diseases remain the top cause of death among patients diagnosed with CKD. The fight to stopping the increase in CKD has never been more urgent.” ayon kay Luz.

Walang mapapansing anumang senyales o sintomas sa early stage ng CKD, ngunit maaari itong matukoy sa pamamagitan ng serum creatinine exam.

Samantala, sa huling yugto naman nito ay maaaring magkaroon ng sintomas tulad ng pagkapagod, kawalan ng gana kumain, pagsusuka, hirap sa pag-ihi, at hirap sa paghinga.

Gayunman, nilinaw ni Luz na bagama’t hindi tuluyang magagamot ang sakit sa bato, maaari naman itong mapigilan at hindi humantong sa mas malalang kondisyon.

Hinikayat ng doktor ang publiko na panatilihin lamang ang malusog na pamumuhay tulad ng simpleng pagkonsumo ng masustansiyang pagkain, pag-inom ng walo hanggang 10 baso ng tubig araw-araw, at iwasan ang labis na pag-inom ng pain relievers at supplements.

Taong 1993 nang idineklara ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Hunyo bilang National Kidney Month, kung saan tema ngayong taon ang “Bato’y Alagaan para sa Kinabukasan”.

Suportado naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang layunin ng pamahalaan para sa pagsusulong ng malusog at ligtas na pamayanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 18,290 total views

 18,290 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 24,261 total views

 24,261 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 28,444 total views

 28,444 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 37,727 total views

 37,727 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 45,063 total views

 45,063 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

 1,725 total views

 1,725 total views Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan. Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi

Read More »
Discuss Socio-Political Church Issues
Michael Añonuevo

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

 2,243 total views

 2,243 total views Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive. Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

 2,423 total views

 2,423 total views Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-4 na Bike for Kalikasan, isasagawa sa Visayas Region

 2,433 total views

 2,433 total views Mahigit 250 siklista at mga tagapagtanggol ng kalikasan ang nagtipon-tipon para sa 3rd Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro City noong October 5. Naging matagumpay ang gawaing inorganisa ng Caritas Philippines katuwang ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan kabilang sa mahalagang bahagi ang makasaysayang deklarasyon ng climate emergency sa arkidiyosesis.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

 3,488 total views

 3,488 total views Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 6,234 total views

 6,234 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 6,328 total views

 6,328 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 7,692 total views

 7,692 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 9,500 total views

 9,500 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 9,469 total views

 9,469 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 10,030 total views

 10,030 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

 10,390 total views

 10,390 total views Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina. “We

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 10,008 total views

 10,008 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 11,170 total views

 11,170 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

 10,768 total views

 10,768 total views Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top