Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bank depositors sa bangkong pag-aari ng pamahalaan, hinamong manindigan sa MIF

SHARE THE TRUTH

 2,178 total views

Hinimok ng opisyal ng Church People’s Solidarity ang mamamayan na naglalagak ng salapi sa mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na magkaroon ng paninindigan kaugnay sa Maharlika Investent Fund o MIF.

Ang MIF bill ay naunang pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso at inaasahang lalagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo kasabay ng nakatakdang ikalawang State of the Nation Address o SONA.

Ipinaliwanag ni Fr. Roel Gatchalian ng CWS na bukod sa walang pondo ang gobyerno ay umaabot din sa 14 na trilyong piso ang pagkakautang ng bansa.

“Palagay ko yung mga nagdeposito sa mga bangko na ‘yan dapat din silang magkaroon ng ‘say’. Kasi pera ‘yan, hindi natin alam kung sino-sino ang mamahala ng Maharlika fund.” ayon kay Fr. Gatchalian ng CWS sa panayam ng Verita Pilipinas.

Kabilang sa pinagkasunduan ng dalawang kongreso ang paglalaan ng pondo sa M-I-F na magmumula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, at Land Bank of the Philippines.

Bagama’t isa sa konsolasyon sa isasabatas na panukala ang absolute prohibition na hindi kukunin ang pondo sa Social Security System, Pag-Ibig Fund at Government Service Insurance System (GSIS).

“Maaring meron silang magandang intensyon, pero hindi napapanahon at saka hindi naman yan ang priority. Ang paggagamitan pa naman ng Maharlika investment ang infrastructure, mabagal yan and mabagal din ang return of investment.” dagdag pa ng pari.

Iginiit ng pari na hindi napapanahon ang pagkakaroon ng M-I-F lalo’t mas maraming dapat paglaanan ng pondo ang gobyerno tulad ng food security at karagdagang trabaho para sa mga Filipino.
Hindi rin kumbinsido si Fr. Gatchalian sa urgency ng pagsasabatas ng minadaling panukala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

20-PESO RICE

 4,245 total views

 4,245 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 12,846 total views

 12,846 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 21,371 total views

 21,371 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 33,740 total views

 33,740 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 68,399 total views

 68,399 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top