Tugunan ang panawagan ng kalikasan, apela ng opisyal ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,330 total reads

Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang bawat isa na higit pang pagtuunan ang pakikinig at pagtugon sa panawagan ng inang kalikasan.

Ayon kay Archbishop Bendico, walang katapusan ang panawagan para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan sapagkat ito’y hamon sa lahat na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha.

Ang pahayag ng arsobispo ay kaugnay sa World Environment Day na ginugunita taon-taon tuwing ikalima ng Hunyo, at pagdiriwang din sa Philippine Environment Month ngayong Hunyo.

“We are not only the keepers of our brothers and sisters but also of Mother Earth. Mother Earth invites us to listen to her voices, the so called “silenced voices” of Mother since as Pope Francis reminds us, she is ‘burdened and laid waste and is among the most abandoned and maltreated of our poor’ (Laudato Si, no. 2).” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Archbishop Bendico na mahalaga ang mga ganitong uri ng pagdiriwang dahil pagkakataon na rin ito para pagsisihan ang mga nagawang pinsala sa kalikasan, at muling panibaguhin ang pakikipag-ugnayan sa kalikasan at sa kapwang nangangalaga rito.

Paliwanag ng arsobispo na ito ang nais ipabatid ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pamamagitan ng ensiklikal na Laudato Si’ para makabuo ng ‘environmental spirituality’ na mahalaga upang wastong magampanan ng bawat isa ang pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

“These are means and ways for us to develop an environmental spirituality which the Holy Father emphasizes should have a global character and a sense of solidarity originating from the Holy Trinity.” ayon kay Arcbishop Bendico.

Kaugnay nito, inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayong World Environment Day ang pagdiriwang sa Philippine Environment Month 2023 na may temang ‘No to Waste: Advancing Circular Economy to #BeatPlasticPollution’.

Batay sa ulat ng United Nations, nasa higit 400-milyong tonelada ng plastic ang nalilikha sa buong mundo taun-taon, kung saan 33-porsyento nito ang single-use plastics.

Una nang iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang kahalagahan ng “sapat-lifestyle” na makakatulong sa pangangalaga sa kalikasan lalo na sa pagtugon sa plastic pollution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 26,956 total reads

 26,956 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 112,158 total reads

 112,158 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 149,531 total reads

 149,531 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 180,790 total reads

 180,790 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 252,477 total reads

 252,477 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 78,141 total reads

 78,141 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top