Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BEC, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 1,757 total views

Kinilala ng opisyal ng simbahan ang tungkulin ng munting pamayanan sa pagpapatatag ng misyon ng simbahan.
Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona malaki ang tungkulin ng Basic Ecclesial Communities o BEC sapagkat dito makikita ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kristiyanong pamayanan.
Ang simbahan ay hindi lamang ang masa o ang maraming tao kundi mga konkretong mga tao na kilala ang isa’t isa…at ito ay nangyayari at nagagampanan sa pamamagitan ng isang munting pamayanang kristiyano o Basic Ecclesial Community kaya ito ay tinatawag na isang bagong pamamaraan ng pagiging simbahan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.
Giit ng obispo na sa tulong ng BEC ay napapaigting ang misyon ng simbahan sa bawat pamayanan upang makamit ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay tungo kay Hesus.
Sa nagdaang pandemya kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang BEC dahil sa ginampanang tungkuling pinanatiling buhay ang simbahan sa kabila ng lockdown na ipinatupad sa buong mundo.
Sa isang pahayag ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang chairman ng CBCP-BEC, bagamat naging sarado ang mga bahay dalanginan mas tumibay ang pananampalataya at ugnayan ng tao sa Panginoon dahil sa pagsisikap ng BEC na ipagpatuloy ang gawain sa kapitbahayan.
Dahil dito iginiit ni Bishop Mesiona na ang BEC ang isang instrumento ng simbahan upang abutin ang nasasakupan lalo na sa mga kanayunan.
Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity Sunday ay ipinagdiwang ng bansa ang BEC Sunday upang bigyang diin ang munting pamayanang nagsisikap para itaguyod ang misyon ni Hesus sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,694 total views

 10,694 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,783 total views

 26,783 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,540 total views

 64,540 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,491 total views

 75,491 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,122 total views

 20,122 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top