DSWD, positibo sa inilunsad na “food stamp program”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,955 total reads

Paiigtingin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga programang makatutulong lalo sa mahihirap na Pilipino.
Ito ang mensahe ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez hinggil sa food stamp program ng kagawaran para sa poorest of the poor.
Layunin ng programa na matulungan ang mamamayang walang kakayahang makabili ng pagkain dahil sa kakulangan ng pinagkakakitaan.
“Ito pong food stamp natin gusto po nating ibalik yung dignidad sa ating mga kababayan na tinatawag natin na food poor,” pahayag ni Lopez sa Radio Veritas.
Ang programa ay inisyatibo ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at bahagi ng ‘Walang Gutom 2027’ program sa mithiing matugunan ang suliranin sa kagutuman sa bansa.
Ipinaliwanag ni Lopez na ang isang milyong benepisyaryo ng programa ay kumikita ng walong libong piso pababa mas mababa sa 12-libong pisong national poverty threshold dahilan upang hindi makabili ng masustansyang pagkain.
Kabilang sa mekanismo ng DSWD sa programa ang paghuhubog at pagsasanay sa mga benepisyaryo sa tulong ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng TESDA, DOLE, DA, DTI at iba pa.
Tiwala si Lopez na sa pamamagitan ng mga pagsasanay ay mapalakas ang kasanayan ng mga Pilipino na magagamit upang mapa-unlad ang buhay ng kanilang pamilya at maging makabuluhan sa lipunan.
“Pag natutulungan kayo sa pamamagitan ng electronic budget transfer na makabili ng masustansyang pagkain inaasahan po natin na kayo din naman in return kapakipakinabang na miyembro ng ating lipunan through employment o through business,” giit ni Lopez.
Sa nasabing programa makatatanggap ng 3, 000 kada buwan ang benepisyaryo sa pamamagitan ng cash card kung saan 40 -porsyento rito ay kasapi ng 4Ps program at 60 porsyento naman ang poorest of the poor batay sa talaan ng National Household Targeting System.
Suportado ng simbahan ang mga programa ng pamahalaan na makatutulong lalo sa mga dukha subalit panawagan ang pagbalangkas ng konkretong tugon sa mga pangunahing suliranin sa bansa tulad ng kahirapan, kagutuman at kawalang sapat na pagkakakitaan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 11,450 total reads

 11,450 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 20,215 total reads

 20,215 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 135,993 total reads

 135,993 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 256,573 total reads

 256,573 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 305,795 total reads

 305,795 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top