1,258 total views
Tiniyak ng Department of National Defense (DND) ang pagsunod sa mga umiiral na international at maritime law upang mapanatili ang kapayapaan.
Ito ang mensahe ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez sa kaniyang pagdalo sa International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue kasama ang defense leaders at ministers ng ibat-ibang bansa.
Hinimok rin ni Galvez ang mga defense official na makiisa sa pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 South China Sea Arbitration Award.
Ito ay upang higit na maunawaan ang paninindigan laban inaangking teritoryo ng Pilipinas at magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa pag-iral ng mga international maritime law.
Ibinahagi din ni Galvez ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa pangangalaga naman ng kapayapaan at seguridad ng Asia-Pacific Region.
Magugunitang nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops Conference of the Philippines noong Hulyo 2015 upang ipananalangin ang mapayapang resolusyon sa agawan ng teritoryo ng West Philippine Sea.