Family feeding program, ilulunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,171 total reads

Inilulunsad ng Caritas Philippines ang programang nagpapakain sa isang buong pamilya sa loob ng isang taon.
Ito ang mensahe ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa nalalapit na paggunita ng World Food Security Day sa June 07.

Ayon kay Henderson, kasalukuyang benepisyaryo ng Family Feeding Program ang 300 pamilya mula sa 12-diyosesis habang inaayos pa ang pakikipag-ugnayan sa karagdagang siyam na bagong diyosesis.

“Sa pamamagitan po nung family feeding program , hindi lamang anak yung malnourished sa bahay, kapag may malnourished na anak sigurado yung kapatid niya ay malnourished din, at sigurado yung kaniyang nanay at tatay ay malnourished din kasi walang sapat na pagkain. kaya mahalaga mayroon tayong world food day, world food security day na selebrasyon” panayam kay Henderson sa programang Baranggay Simbayanan.

Bukod sa pagsusulong ng sapat na pagkain para sa isang buong pamilya, layunin ng Family Feeding Program na bigyang dignidad ang mga benipisyaryo.

Sa 45-libong pisong pondo kada pamilya sa isang ay binibigyan ng pagkakataon ang mga benepisasryo na makapamili ng kanilang lulutuing pagkain.

Ang mga benepisaryo ng programa ay bibili sa mga tiangge sa parokya o sa mga supplier ng ibat-ibang social action center ng simbahan.“Sa atin po ay may coupon kayo, pupunta po kayo doon sa palengke of example alam mo na ngayon kung sino yung mga supplier ng mga social action center or yung mga tiangge sa parokya doon kayo pupunta tapos mamimili kayo anong klase ng gulay ba ang gusto nating kainin for the rest of the week,”paglilinaw ni Henderson

Tiniyak rin ng opisyal ng Caritas Philippines na natutulungan nito ang mga magsasaka o mangingisdang suppliers ng programa dahil direkta silang kumikita na hindi na kinakailangan pang makipag-ugnayan sa mga middle men upang maibenta ang kanilang ani.

Noong 2022, umabot sa 500-milyong piso ang nailaang pondo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad, pagpapakain sa mga nagugutom at iba’t-ibang livelihood programs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 13,550 total reads

 13,550 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 52,840 total reads

 52,840 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 88,140 total reads

 88,140 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 314,409 total reads

 314,409 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 206,987 total reads

 206,987 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top