Magbalik-loob sa diyos, paanyaya ng rector ng Pinaglabanan church sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,254 total reads

Hinimok ni Father Mike Kalaw – Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. John the Baptist o Pinaglabanan Church ang mga mananampalataya na gawing pagkakataon ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista upang higit na magbalik-loob sa Diyos at makibahagi sa Kanyang misyon.

Ayon kay Fr.Kalaw, ang kapistahan ay hindi lamang para sa isang pamayanan o komunidad kundi para sa lahat ng mga nananalig upang patuloy na mailapit ang kanilang buhay sa Panginoon at maakay ang kapwa sa pananampalataya na pangunahing mensahe ni San Juan Bautista ang pag-akay sa mga naliligaw ng landas upang muling mapalapit sa Diyos.

Binigyang-diin din ni Fr. Kalaw ang kababaang-loob na isinabuhay ni San Juan Bautista sa kanyang pahayag na, “I must decrease, and He must increase,”.

“Napakahalaga po ng ating ipinagdiriwang po ngayon kasi ito’y isang paalala po sa atin na ang bawat isa sa atin ay kailangang magbalik-loob sa Diyos. At alam po natin, ayan ang pinaka-mensahe ng ating mahal na patron, si San Juan Bautista, that we always become a part of His mission, also to bring others closer to God. Kaya siguro itong pagdiriwang po ito ay hindi lang para sa isang pamayanan, sa isang komunidad, kundi sa lahat ng mga nananalig sa Diyos na patuloy na sana ang kanilang buhay ay patungo palagi sa ating Panginoong Diyos. Kaya nga siguro napakaganda nung sinabi ng ating mahal na patron, “I must decrease. And He must increase.” At ‘yun ang buhay natin bilang mga mananampalataya ng Diyos,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Kalaw.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si San Juan City Mayor Francis Zamora kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pangunguna nito sa pagdiriwang ng Fiesta Mass para sa Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista, ang patron ng lungsod ng San Juan City.

Ayon kay Mayor Zamora, kasabay rin ng pagdiriwang ng kapistahan ang paggunita sa ika-limang anibersaryo ng pagkakatalaga ni Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Maynila.
Nagpasalamat din ang alkalde sa patuloy na pagtanggap ni Cardinal Advincula sa paanyaya ng lungsod na pangunahan ang banal na misa tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Bautista.

Pinasalamatan din nito ang mga parokyano at debotong nakiisa sa taunang pagdiriwang.
Patuloy naman na hinihikayat ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na tularan ang buhay ni San Juan Bautista sa pamamagitan ng kababaang-loob, pagbabalik-loob sa Diyos, at paglilingkod sa kapwa. Kaakibat ito ng panawagan ni Pope Leo XIV na maging tunay na mga saksi ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalatayang isinasabuhay araw-araw at ng aktibong paglilingkod sa Simbahan at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 35,925 total reads

 35,925 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 89,931 total reads

 89,931 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 153,613 total reads

 153,613 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 221,537 total reads

 221,537 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 251,720 total reads

 251,720 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top