Bishop Baylon, nanawagan sa mananampalataya na magsuot ng puting laso sa June 28

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,029 total views

Hinikayat ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Legazpi na magsuot ng puti o kaya’y magsuot ng puting laso sa pagdalo sa Banal na Misa sa Hunyo 28, 2026 bilang pagpapahayag ng panalangin at pag-asa para sa bayan.

Ito ang bahagi ng panawagan ng Obispo sa inilabas na pastoral appeal ni Bishop Baylon noong Hunyo 24, 2026 na may titulong “For Truth, Justice, and National Renewal.”
Sa kanyang mensahe, inimbitahan ni Bishop Baylon ang mga mananampalataya na suportahan ang White Ribbon Movement bilang isang faith-based at non-partisan na pagkilos para sa katotohanan, katarungan, at pambansang pagpapanibago.

“On Sunday, June 28, let us gather for the Sunday Mass, where the Lord renews our hearts and strengthens us to become instruments of truths, justice, peace, and charity. As a simple expression of our hope for our country, I encourage everyone to wear white when attending Mass or to wear a white ribbon.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Baylon.

Hinimok din ng Obispo ang mga pamilya, paaralan, tanggapan, negosyo, institusyon, at mga parokya na maglagay ng puting laso bilang tanda na ang tunay na pagbabago ay nagmumula sa bawat isa sa lipunan.

Pinaalalahanan din ni Bishop Baylon ang mga Katoliko na hindi dapat matapos sa isang araw lamang ang kanilang pagsasabuhay ng pananampalataya at pagiging mabuting mamamayan sa halip ay dapat na isabuhay sa pang-araw-araw.

Ayon sa obispo, “Our witness, however, must not end on this day only. It must become a way of life! As followers of Christ, let us continue to seek the truth, reject misinformation, resist every form of corruption, and exercise prudent discernment in all that we hear, share, and do.”

Kasabay ng paghahanda ng Diyosesis ng Legazpi para sa pagdiriwang ng Diamond Jubilee nito, nanawagan din si Bishop Baylon sa mga mananampalataya na muling pagtibayin ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng isang lipunang nakabatay sa katarungan, malasakit, at pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,272 total views

 18,272 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,354 total views

 51,354 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,705 total views

 79,705 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,435 total views

 147,435 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 169,167 total views

 169,167 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top