Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makataong kalagayan ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 467 total views

Mga Kapanalig, umani ng batikos ang video na inilabas sa Facebook page ni Senator Imee Marcos.[1] Sa video, sinabi ng senadorang ang pagtatrabaho ay time management lamang. Nagtapos ang video na may mensaheng “Anyone who claims to work 18 hours a day is either lying or stupid.” Bagamat hindi raw iyon political content,  patama ito kay Vice President Leni Robredo na nagsabi sa isang candidates’ forum na halos 18 oras siyang nagtatrabaho. Binansagan ding “Lenlen” ang fictional character na pinag-uusapan ng senadora at mga kasama niya sa video.

Sa isang bansang maraming suliraning kinakaharap ang mga manggagawa, wala sa lugar ang mensahe ng video. Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority noong Disyembre, tatlong milyon ang walang trabaho sa bansa sa kabila ng paghahanap nila ng trabaho. Halos pitong milyon naman ang may trabaho nga, pero naghahanap pa ng karagdagang trabaho upang madagdagan ang mababa nilang sahod. Nariyan pa ang endo o iligal na kontraktwalisayon kung saan nanatiling walang seguridad at benepisyong natatanggap ang mga manggagawa. Hiwalay na usapin pa ang di-makataong kalagayan ng maraming manggagawa sa bansa, at kasama rito ang pagtatrabaho sa delikadong lugar at lampas na tamang oras o haba .

Out of touch” ang naging paglalarawan ng mga labor groups at concerned citizens sa video ng senadora. Satire man o patama sa mga katunggali sa pulitika, ang video ay nagpapakita ng pagkamanhid sa kalagayan ng maraming manggagawang nagtatrabaho ng 18 oras o higit pa. Noong isang linggo, bumaha sa social media ang mga kuwento ng mga manggagawang katulad ni “Lenlen” na kumakayod nang halos walang pahinga. Mayroong mga health care workers, tsuper, guro, at mga magulang na gumagawa ng iba’t ibang “raket” sa loob ng isang araw. Sa bawat post, iginigiit nilang hindi sila sinungaling o estupido katulad ng sinasabi sa video. Hangad lamang nilang matugunan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Para kay presidential candidate at labor leader na si Ka Leody de Guzman, hindi nauunawaan ng senadora ang kalagayan ng mga manggagawa dahil hindi niya naranasang kumayod nang matindi para may makain ang kanyang pamilya. Marahil daw ay hindi rin niya naranasang alagaan ng isang karaniwang ina na abalá na nga sa mga gawaing bahay, sila pa ang nagbabanat ng buto para may maipanggastos. Huwag din nating kalimutang ang maginhawang buhay ng senadora ay nababalot ng mga kaso ng katiwalian at nakaw na yaman mula sa mga inutang ng bansa at patuloy na binayaran ng mga ordinaryong Pilipino, kasama ang maraming manggagawa.

Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng paggawa upang maitaguyod ang dignidad ng tao. Ang paggawa ay mahalaga para sa kaunlaran ng tao nang makamit niya at ng kanyang pamilya ang kanilang mga pangangailangan. Paraan din ang paggawa upang makapag-ambag ang bawat indibidwal ng kanilang mga talento tungo sa kabutihang panlahat o common good. Samantala, tungkulin ng pamahalaang bumuo at magpatupad ng mga patakaran at programangng magtitiyak na may sapat na trabaho para sa lahat, tama at sapat ang sahod ng mga manggagawa, at maayos at ligtas ang kalagayan ng mga manggagawa.

Mag Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Genesis 2:15, “Inilagay ng Panginoon ang tao sa halamanan upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” Ibig sabihin, bahagi ng magandang plano ng Diyos ang paggawa. Ang kakulangan ng oportunidad at maayos na kalagayang paggawa ay hadlang sa planong ito Diyos. Nawa’y sa halip na kutyain ang mga nagtatrabaho ng 18 oras o higit pa, unawaain natin ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa at kumilos tayo, lalo na ang mga nasa pamahalaan, upang makamit natin ang isang makataong kalagayan ng manggagawang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,350 total views

 5,350 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,937 total views

 21,937 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,306 total views

 23,306 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,964 total views

 30,964 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,468 total views

 36,468 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 5,351 total views

 5,351 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 21,938 total views

 21,938 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 23,307 total views

 23,307 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 30,965 total views

 30,965 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 36,469 total views

 36,469 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 43,493 total views

 43,493 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 79,039 total views

 79,039 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 87,916 total views

 87,916 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 98,994 total views

 98,994 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 121,403 total views

 121,403 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 140,121 total views

 140,121 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 147,870 total views

 147,870 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 156,041 total views

 156,041 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 170,522 total views

 170,522 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top