Gabayan ang mga botante sa paghalal ng tunay na lider ng bansa, tungkulin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,003 total reads

Ipinaliwanag ni Parañaque Bishop Jesse Mercado na ang paggabay sa mamamayan sa pagpili ng mga wastong lider ng bayan ay hindi maituturing na partisan politics.

Nilinaw ng Obispo ang pagiging neutral ng simbahan lalo na sa mahahalagang usapin na nagdudulot ng kabiguang makapaghalal ng lider na magtataguyod sa kabutihan ng pamayanan.

Ayon kay Bishop Mercado mahalagang matulungan ang mananampalatayang pagnilayan at suriin ang karakter ng bawat kumandidato sa kapakinabangan ng bayan lalo na ng susunod na henerasyon.

“We should accompany and encourage our people to make the right choice. And this is our new understanding of what non-partisanship is,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mercado.

Una nang nanindigan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na mananatiling non-partisan ang simbahang katolika sa kabila ng pag-eendorso ng ilang grupo ng mga layko.

Subalit iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi ito nangangahulugang pabayaan ng simbahan ang mamamayan sa pagpili ng mga lider kundi higit pinalalawak ang voter’s education upang maunawaan ng taumbayan ang tunay na hangarin ng isang kandidato.

Samantala, ipinaalala naman ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa mga kapwa lingkod ng simbahan na pakaingatan ang pagkakilanlan bilang alagad ng simbahan upang hindi makompromiso ang misyon nito.

Batid ng obispo ang ilang pari, madre at relihiyoso na hayagang sumusuporta sa partikular na kandidato lalo na sa national level kaya’t paalala nitong mas palawakin ang pagbibigay gabay sa 67-milyong botante sa pamamagitan ng pagpapakilala sa karakter ng nagpapapiling lider.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 516 total reads

 516 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,900 total reads

 37,900 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,171 total reads

 69,171 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,717 total reads

 146,717 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,922 total reads

 240,922 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top