San Jose, itinalagang patron saint ng Quezon City

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,492 total reads

Itinalaga ng Quezon City si San Jose bilang isa sa mga patron ng lunsod.

Sa bisa ng Resolution no. SP-8771, Series of 2021 napagkasunduan ng Quezon City Council sa kanilang pagpupulong na si St. Joseph ay magiging patron sa titulong ‘Protector of Quezon City’.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagsusulong nito sa pamahalaang lungsod kasama ang komunidad ng St. Joseph Shrine sa Project 3, Quezon City.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng Diyosesis ng Cubao paiigtingin ng lunsod ang pagsusulong sa debosyon ni San Jose.

“The said resolution states that the Feast of St. Joseph shall be included in the Quezon City Cultural Calendar to promote its religious significance and all forms of media shall be utilized to promote the Feast of St. Joseph,” bahagi ng pahayag.

Ginanap ang proklamasyon noong February 19, 2021 na dinaluhan ni Mayor Joy Belmonte, Councilor Jorge Banal at Wency Lagumbay.

Tinanggap naman ni Fr. Ronald Macale, Rector at Parish Priest ng dambana, ang full text ng resolusyon na ipinagkaloob ng LGU.

“A medal bearing the seal of Quezon City was also pinned to the regalia of the venerated image of St. Joseph to symbolize his patronage,” dagdag nito.

1951 nang maitatag ang dambana ni San Jose at kauna-unahang parokya sa Quezon City na itinalaga sa pangalan ng Santo.

Bukod kay San Jose kinilala ring patron ng lunsod si San Pedro Bautista, San Vicente de Paul bilang patron saint sa urban poor ng lunsod, at ang Our Lady of La Naval ang patron ng Quezon City.

Matatandaang noong December 2020 hanggang December 2021 itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang Year of St. Joseph bilang paggunita sa ika – 150 anibersaryo ng pagiging patron ni San Jose sa Universal Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,057 total reads

 53,057 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,562 total reads

 132,562 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,007 total reads

 166,007 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,305 total reads

 201,305 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,719 total reads

 425,719 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top