Sambayanang Filipino, patuloy na pinapahirapan ng nagdaan at kasalukuyang administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,025 total reads

Pinapahirapan pa rin ng mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon ang mga Pilipino dahil sa mga utang at ninakaw sa kaban ng bayan na patuloy na binabayaran ng bawat mamamayan.

Ito ang isa sa mga pagninilay ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa ikapitong linggo ng karaniwang araw.

“Ang resulta ng mga kasamaan noon ay patuloy pa rin ngayon at marami pa ang nagdurusa dahil dito. Marami pa ang mga ninakaw noon na ngayon ay hindi pa naibabalik sa taumbayan at binabayaran pa ng buwis ng mga tao.” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Binigyan-diin ng Obispo na hindi katuruan at layunin ng Diyos ang mga adbokasiyang isinusulong ng mga kumakandidato sa national position ngayong halalan.

Ito ay dahil sa kanilang pagsusulong ng paglimot sa mga kasalanang nagawa ng mga nagdaan at kasalukuyang administrasyon tulad ng martial law at madugong war on drugs.

“Kaya sa mga nagsasabi na magkaisa na lang tayo at huwag nang pansinin ang nakaraan, sinasabi natin na ang Diyos natin ay mahabagin at makatarungan. Mapapatawad natin ang nakaraan kung inaamin nila na mali ang kanilang ginawa noong martial law, na mali ang pagpapapatay sa tao sa ngalan ng war on drugs,” ani Bishop Pabillo.

Ayon pa sa Obispo, nananatiling mali ang pagbabansag sa ilang mga grupo at samahan bilang “rebelde” at sapilitang pagkukulong sa kanila ng hindi dumadaaan sa tamang proseso at kakulangan ng ebidensya.

“Mali ang pagbibintang sa mga tao na sila ay rebelde at pagpapakulong sa kanila sa gawa-gawang mga kaso. At hanggang ngayon marami pa ang nakakulong dahil lang sa pagbibintang na wala namang katotohanan,” ayon pa sa Obispo.

Pagpapabatid ni Bishop Pabillo na iginagawad ng Diyos ang pagpapatawad para sa mga taong humihingi ng paumanhin at tunay na nagsisi sa kanilang mga kasalanan.

“Ang pagpapatawad ay may bisa kung inaamin ng pinatatawad ang kanyang kasalanan. Hindi mapapasakanya ang patawad kung hindi naman niya inaamin na may kasalanan siya,” ayon sa pagninilay ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,627 total reads

 50,627 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,267 total reads

 130,267 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,714 total reads

 163,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,012 total reads

 199,012 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,531 total reads

 423,531 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top