Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 626 total views

Kapanalig, ang pagkakaroon ng pabahay ay isa sa mga pinaka-matingkad na pangarap ng mga Filipino. Kay hirap lamang abutin, dahil dito sa ating bayan, napakamahal ng lupa at tirahan. Hindi abot kamay ng karaniwang minimum wage earner na manggagawa. Kaya nga’t hindi nakakapagtaka na tinatayang mga mahigit 3.6 milyong Pilipino ay mga informal at urban poor settlers, o sa salitang kanto, mga squatters.

May mga housing programs naman ang ating pamahalaan. May mga local government units din naman na may mga urban poor housing programs. Kaya lamang, kay hirap talaga mabigyan ng solusyon ang problema na ito. Bakit kaya, kapanalig?

Marami ng mga salik ang pinag-aralan ng mga dalubhasa. Syempre una na diyan ang presyo ng pabahay – mahal talaga, lalo na pag sa syudad. At mahirap din i-uproot o tanggalin ang mamamayan sa syudad para lamang patirahin sa mga low cost housing sa mga probinsya. Kailangan nila magtrabaho, at kailangan din sila ng trabaho. Ang serbisyong ibinibigay ng impormal na sektor ay kritikal sa pag-inog ng ating merkado.

Maliban sa presyo ng pabahay at sa layo ng trabaho, ang kawalan din ng development sa mga probinsiya kung saan maraming mas mura pa ang pabahay ay isang malaking balakid. May bahay  nga, pero wala naman kabuhayan sa paligid. O di kaya malayo sa paaralan, pamilihan, at hospital. Kapag ating irerelocate ang mga mamamayan sa ganitong mga lugar, parang atin silang pinarusahan, keysa tinulungan.

Pero kapanalig, isa sa siguro sa mga salik na hindi natin napagtutuunan ng pansin kung bakit kay hirap magkaroon ng pabahay para sa mga informal settlers ay ang human dimension nito – sa komunidad na nabubuo ng mga informal settlers, hindi lamang kabuhayan at trabaho ang kanilang nakukuha, kundi kalinga at pagmamahal. Sa mga informal settlements kapanalig, ay may mga matitibay na ugnayan at networks na nagsisilbing social support system at pamilya ng mga maralita. Sa ganitong mga lugar, pangit at madumi man sa ating paningin, nakakaramdam ng komunidad at pagmamahal ang ating mga kababayan.

Siguro, maaaring tingnan at tutukan din ang aspeto na ito pagdating sa pabahay para sa mga mamamayan. Magiging mas makatao ang ating pabahay kapag ating kinokonsidera ang mga ganitong pangangailangan ng mamamayan. Magiging mas authentic ang ang pagsulong natin sa kagalingan ng tao kapag di natin makakalimutan ang ating human side. Payo nga sa Laudato Si, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Having a home has much to do with a sense of personal dignity and the growth of families… In some places, where makeshift shanty towns have sprung up, this will mean developing those neighbourhoods rather than razing or displacing them… creativity should be shown in integrating rundown neighbourhoods into a welcoming city.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 35,042 total views

 35,042 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,172 total views

 46,172 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,533 total views

 71,533 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,903 total views

 81,903 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,754 total views

 102,754 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,482 total views

 6,482 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 35,043 total views

 35,043 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,173 total views

 46,173 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,534 total views

 71,534 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,904 total views

 81,904 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,755 total views

 102,755 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,839 total views

 94,839 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,863 total views

 113,863 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,537 total views

 96,537 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,155 total views

 129,155 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,171 total views

 126,171 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top