Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng simbahan na makiisa sa mga inisyatibong tutugon sa El Nino

SHARE THE TRUTH

 1,845 total views

Makiisa sa mga inisyatibo ng pamahalaan upang matiyak na hindi lubhang maapektuhan ng El Niño ang sektor ng agrikultura.

Ito ang paalala ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mamamayan higit sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura na inaasahang labis na maapektuhan ng matinding tag-init.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pakikiisa sa mga kagawaran o ahensya ng Department of Agriculture, Department of Science and Techonology at PAGASA Weather Forecasting center dahil sila ang nangunguna sa mga paghahanda para tiyakin ang maunlad na produksyon at sapat na suplay na tubig para sa mga agricultural product.

“Una magdasal po tayo sa Panginoon, siya ang tunay nakakaalam ng lahat! Alam natin na hindi niya tayo pababayaan, Biyaya po yan na dapat nating gamitin ng mabuti ayon sa pangangailangan ng lahat makipagtulungan sa lahat ng sector ng ating gobyerno lalo na sa DA, DOST, at PAGASA upang mas marami po tayong tutugon sa problemang hinaharap,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Bukod sa pananalangin para sa ikabubuti ng sektor, hinimok rin ng Obispo ang mamamayan na ugaliin ang pagtitipid sa suplay ng tubig at pagwawaksi sa pag-aaksaya dahil inaasahang hanggang sa 2024 iiral ang El Niño.

Unang tiniyak ng DA ang mga paghahanda laban sa matinding tag-init katulad ng pakikipagtulungan sa mga Local Government Units (LGU) at pribadong sektor upang pagbutihin ang mga irrigation system sa mga taniman lalu sa ‘most vulnerable areas’ sa bansa.

Itinatag narin ang DA’s National El Niño Team (DA-NENT) upang makipag-ugnayan sa iba pang sangay ng pamahalaan at mapatibay ang pangangalaga sa sektor ng agrikultura mula sa banta ng tagtuyot.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 44,570 total views

 44,570 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 74,651 total views

 74,651 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 88,647 total views

 88,647 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 106,962 total views

 106,962 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 1,925 total views

 1,925 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 17,222 total views

 17,222 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567