Caritas Philippines, nananawagan sa mamamayan ng “sense of responsibility”

SHARE THE TRUTH

 1,942 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – national president ng Caritas Philippines sa mga katuwang ng Simbahan na naging daluyan ng biyaya ng Panginoon lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa thanksgiving at turn-over ng We Care Project ng Caritas Philippines sa tatlong Diyosesis ng Butuan, Malaybalay at Kidapawan.

Ayon kay Bishop Bagaforo, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa mas epektibong pagtugon sa kalagayan ng mga nangangailangan.

Partikular na pinasalamatan ng Obispo ang aktibong pakikibahagi ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa misyon ng Simbahan na pagpapaunlad sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

“Sa lahat ng mga participants na ngayon ay kasama natin sa pagbibigay nitong Thanksgiving at saka Turn-Over, maraming salamat po sa inyong tulong tulong at pakikiisa na maging matagumpay itong ating programa. Ibig ko na ding magpasalamat sa ating mga local government unit na ating mga partners, sana kung ano ang ating nasimulan ay ipagpatuloy natin at sana sama-sama tayo, maiuunlad natin ang ating kabuhayan at matugunan natin ang ating mga problema sa kabuhayan.” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Umaasa naman ang Obispo na higit pang mapalago at mapalawak ng mga diyosesis ang misyon ng We Care Program na magkaroon ng ‘sense of responsibility’ ang bawat isa sa pagtugon sa mga problema ng baansa lalu na ang kahirapan at kagutuman.

“We would like to congratulate lahat ng ating mga participants na kung saan ay naging matagumpay ang ating Programa na We Care Program. Marami tayong mga dapat na alalahanin na ang mga bagay na ganito ay walang iba kundi ang layunin ay matulungan ang ating kapwa at higit sa lahat ay magkaroon sila ng sense of responsibility sa pagtugon sa mga problema ng ating lipunan, maliban diyan yung We Care Program ang layunin din is to empower each one of us para magkaroon tayo ng potential na makatulong upang masagot natin ang problema natin on poverty and on hunger.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Tema ng Thanksgiving and Turn-over ng We Care Project ng Caritas Philippines sa tatlong diyosesis ang “Empowering People & Sectoral Organizations Through Partnership, Agro-Enterprise & Governance Collaboration” na naglalayong maisulong ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa kabutihan at kapakanan ng mga mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,616 total views

 2,616 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 27,977 total views

 27,977 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,605 total views

 38,605 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,594 total views

 59,594 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,299 total views

 78,299 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top