Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,645 total reads

Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko.

Ayon sa Pari na siya ring correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican bahagi ng naging mensahe ni Pope Leo XIV sa magkakasunod na paggunita ng Jubilee of Seminarians, Bishops and Priests sa Roma ang pagpapasalamat sa pag-agapay ng mga layko sa mga lingkod ng Simbahan.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ni Fr. Gaston ang mga layko na huwag sanayin sa layaw ang mga Pari sa halip ay hayaan ang mga ito na maglingkod bilang katuwang na pastol sa kawan ng Diyos.

Partikular na pinaalalahanan ng Pari ang mga layko na tumugon sa tawag ng pangungumpisal na isang mahalagahang bahagi ng pagiging isang tunay at ganap na Katoliko.

“Mga lay people salamat sa inyong pag-aalaga sa ating mga kaparian please lang po huwag niyong i-spoil, huwag niyong i-spoil ang mga pari. Pagtrabahuhin niyo rin yung mga pari, kaming mga pari like confession kapag kailangan niyo ng confession lumapit kayo huwag kayong mahiya sabihin kay Father ‘pwede bang mag-confess’ minsan may mga schedule, minsan sasabihin tawag lang kayo, tawag po kayo, tawag lang po kayo para mangumpisal kailangan niyo yan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang delegasyon ng mga Pilipinong Obispo at iba pang lingkod ng Simbahan na nakibahagi sa magkakasunod na paggunita ng Jubilee of Seminarians, Bishops and Priests sa Roma bilang patuloy na paggunita ng Simbahang Katolika ng Jubilee Year of Hope.

Kabilang sa ibinahaging katesismo ni Pope Leo XIV para sa mga Obispo ang pagbibigay diin sa pamumuhay ng payak ng mga lingkod ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtalikod sa anumang karangyaan at mga prebilehiyo na makapagpapalayo sa mga mananampalataya at sa mga pastol ng Simbahang Katolika.

Ipinaalala rin ng Santo Papa na ang tanging kapangyarihan na dapat na taglayin ng mga Obispo bilang lingkod ng Simbahan ay ang kapangyarihan ng pag-ibig ni Kristo na nagpapahayag ng paglilingkod at kababaang-loob.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 122,979 total reads

 122,979 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 184,670 total reads

 184,670 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 230,378 total reads

 230,378 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 331,646 total reads

 331,646 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 395,194 total reads

 395,194 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top