Mananampalataya, inaanyayahan sa “With Leo, Our Pope” exhibit sa Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,896 total views

Inaanyayahan ng Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral ang mga mananampalataya sa inihanda nitong exhibit bilang bahagi ng paggunita ng Pope’s Day na kauna-unahang Pope’s Day ni Pope Leo XIV.

Tampok sa nasabing exhibit na tinaguriang “With Leo, Our Pope” ang conclave memoirs mula sa naging karanasan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa naganap na Papal Conclave noong ika-8 ng Mayo, 2025 kung saan nahirang si Pope Leo XIV bilang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Katuwang ng Manila Cathedral sa pagsasakatuparan sa nasabing With Leo, Our Pope Exhibit ang Residencia del Arzobispo at ang Order of St. Augustine kung saan tampok rin sa 11-araw na exhibit ang ilang mga artifacts mula sa kongregasyon. Bukas para sa publiko ang nasabing exhibit mula June 28 hanggang July 6, 2025.

“WITH LEO, OUR POPE, this year’s celebration of Pope’s Day will be the first for His Holiness Pope Leo XIV. The Manila Cathedral, together with the Residencia del Arzobispo and the Order of St. Augustine, wishes to invite you to an exhibit of the conclave memoirs of Cardinal Advincula and some artifacts from the Order of St. Augustine. The exhibit will run from June 28 until July 6, 2025.” Bahagi ng paanyaya ng Manila Cathedral.

Kaugnay nito, natakdang pangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagdiriwang ng Pope’s Day Mass sa June 29, 2025 – ganap na alas sais ng gabi sa Manila Cathedral kasama si Cardinal Advincula.

Taunang ipinagdiriwang ang Pope’s Day tuwing June 29 kasabay ng Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo na kilalang haligi ng pananampalatayang Kristiyano at Simbahang Katolika kung saan ipinagkatiwala ni Hesus ang pangangalaga sa kanyang kawan.
Kasabay ng dakilang kapistahan ng dalawang santo ay pinararangalan din ang Santo Papa sa patuloy na pagganap sa misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo.

Pangunahing tungkulin ng Santo Papa ang pagbuklurin ang sangkatauhan tungo sa landas ni Hesus batay sa habilin nito kay San Pedro ang kauna-unahang santo papang pinagkatiwalaan sa mga gawaing pagpapastol.

Kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21, 2025 ay nahirang naman sa naganap na Papal Conclave noong May 8, 2025 si Cardinal Robert F. Prevost, O.S.A. bilang ika-267 Santo Papa na kahalili ni San Pedro at napiling gamitin ang papal name na ‘Pope Leo XIV’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 27,688 total views

 27,688 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 45,488 total views

 45,488 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 45,488 total views

 45,488 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 158,300 total views

 158,300 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 178,495 total views

 178,495 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 14,556 total views

 14,556 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top