11,624 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga Pilipino na magshopping sa Segunda Mana Charity Mega Bazaar simula June 06 hanggang 08 sa 4th Level Cinema Lobby ng TriNoma Mall sa Quezon City.
Ayon kay Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual, layon nito na makalikom ng pondo para sa Youth Servant Leaders and Education o YSLEP scholars ng social arm ng Archdiocese of Manila.
“The bazaar will feature pre-loved quality items donated by celebrities, individuals, and corporate partners; proceeds will go to our education program. Visitors can also enjoy live performances, interactive booths, and information on Caritas Manila’s transformative programs,” paanyaya ng dating pangulo ng Radyo Veritas.
Gagamitin din ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang inisyatibo upang higit na maisulong ang pangangalaga sa kalikasan.
Itatampok sa Bazaar ay mga preloved items na nalikom ng Segunda Mana Program na isinusulong ang adbokasiyang Reduce, Reuse, Recycle at declutter.
“This event serves both as a fundraising and awareness platform showcasing the vital impact of Segunda Mana’s advocacy on Reduce, Reuse, Recycle, and its direct support for Caritas Manila’s Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP),” ayon pa sa mensahe ni Fr.Pascual
Kada taon, umaabot sa limang libong scholars na pinapaaral ng YSLEP na natutululngan naman makatapos sa pag-aaral ang isang libong scholars kada taon.
Noong 2024, umabot sa 1,052 ang bilang ng mga YSLEP Scholars na nagsipagtapos sa pag-aaral sa patuloy na paggamit ng Caritas Manila sa edukasyon bilang mabisang kasangkapan na panlaban sa kahirapan upang maparami ang oportunidad ng maayos na pamumuhay sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.






