Mananampalataya, hinimok na paigtingin ang pagrorosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,288 total reads

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na paigtingin ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Divine Grace Parish sa Cebu, iginiit ng arsobispo na isang magandang uri ng panalangin ng Santo Rosaryo sapagkat nilalaman nito ang pagninilay sa buhay ni Hesukristo.

Sinabi ni Archbishop Palma na ang pagdarasal nito ay makatutulong makamit ng lipunan ang pagbubuklod ng mamamayan.

“The Rosary is a powerful instrument to combat evil and to attain grasya ug kalinaw sa kalibutan [kapayapaan ng sanlibutan].” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Matatandaang sa pagpakita ng Mahal na Birhen sa tatlong bata sa Fatima noong July 13, 1917 hiniling nito ang araw-araw na pananalangin ng Santo Rosaryo upang makamtan ang kapayapaan sa buong daigdig.

Bukod pa rito ang kahilingang pagdedebosyon sa Kalinislinisang puso ni Maria, First Saturday devotions kasama na ang pagtanggap sa sakramento ng pagbabalik loob at pagtanggap ng Banal na Komunyon.

Hiling din ng Mahal na Birhen ang pagbabayad puri at mga sakripisyo tulad ng pagsunod sa mga utos ng Panginoon gayundin ang pag-alay ng panalangin sa mga namayapa sa katubusan ng kanilang kasalanan.

Sa nagdaang pandemya pinasimulan ng Santo Papa Francisco ang ‘Healing Rosary for the World’ para sa kaligtasan at paghilom ng mundo sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa Pilipinas ipinagpatuloy pa rin ang pagdarasal nito tuwing Miyerkules sa alas nuwebe ng gabi kung saan bukod sa paghilom ay dalangin din ang pagwawakas sa mga digmaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 184,874 total reads

 184,874 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 255,679 total reads

 255,679 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 289,128 total reads

 289,128 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 324,427 total reads

 324,427 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 543,524 total reads

 543,524 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top