Mananampalataya ng Palo-Leyte, hinimok na suportahan ang Walk for life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Hinimok ni Archdiocese of Palo Archbishop John Du ang bawat mananampalataya sa arkidiyosesis na makibahagi sa nakatakdang simultaneous Walk for Life upang maitaguyod ang dignidad ng buhay ng bawat nilalang.

Partikular na nanawagan ng suporta ang Arsobispo sa mga mag-asawa at mga kabataan na magpakita ng pakikiisa sa Walk for Life sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagkilos para sa buhay kasabay ng iba pang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis at arkideyosesis sa bansa.

Ipinaliwanag ni Archbishop Du na mahalagang manindigan ang bawat isa sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.

“I’m inviting all the faithful of the Archdiocese of Palo especially the couples and the young people to get out in the streets tomorrow early morning to walk for life. Together lets demonstrate our love for life. A gift only God can give. Therefore it is sacred.” pahayag ni Archbishop Du sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Arsobispo na walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay maging sa mga nagkasala sa lipunan sapagkat tanging ang Diyos lamang ang dapat na magtakda kung kailan dapat na magwakas ang buhay ng bawat nilalang.

Dahil dito, ipinaalala ng Arsobispo sa bawat isa na protektahan ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon bilang kanyang katiwala sa pangangalaga sa sanlibutan.

“Nobody should dare to kill it even if the person is bad. God has the only right to to take it. Preserve life! Respect life and Uphold life! Our commitment to God, Amen!” Dagdag pa ni Archbishop John Du.

Nananawagan din si Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mamamayang Filipino na makiisa sa pagtitipon para itaguyod ang buhay.

Read:

Taumbayan, hinimok na manindigan para buhay

Buhay ng Tao: Biyayang dapat pangalagaan at hindi dapat gawing kalakal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,731 total reads

 38,731 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,090 total reads

 89,090 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,961 total reads

 136,961 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,909 total reads

 240,909 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 325,011 total reads

 325,011 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top