Mandatory vaccination sa onsite workers, tinututulan ng labor groups at transport sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total views

Tinututulan ng labor groups at transport groups ang mandatory vaccination na ipapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga onsite workers na magsisimula sa December 01 2021.

Naninindigan ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines at National Federation of Labor Unions – Kilusang Mayo Uno na hindi makatarungan at pagpapahirap lamang sa mga manggagawa ang polisiya ng pamahalaan.

Tinawag din ng grupo na anti-workers ang “no vaccine, no pay scheme” ng DOLE at IATF.

“Yaan po ay hindi makatarungan na polisiya dahil may mga manggagawa na hindi nababakunahan dahil wala pa silang access sa napakadaming bakuna na sinasabi ng gobyerno.Ikalawa, mahirap kumuha ng slots sa mga local government units na mano-mano at manual ang rollout ng vaccination”.pahayag ni ni ALU-TUCP spokersperson Allan Tanjusay sa Radio Veritas.

Itinuturing naman ng NAFLU-KMU ang panuntunan na ang mga manggagawang hindi pa nakakapag-pabakuna ay sasagutin ang bayad sa RT-PCR o swab test kada ikalawang-linggo upang matiyak na ligtas sa COVID 19.

“Ang IATF Reso 148-B ay dadagdag sa gastusin ng mga manggagawa kung di pa sila bakunado. Bakit ang parusa ay doon sa mga manggagawang hirap na hirap pero patuloy na nag-aambag sa ekonomiya ngayong pandemya?,” pahayag ng NAFLU-KMU.

Tutol din si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association Of the Philippines President Ricardo Rebaño na sasagutin ng mga manggagawa at mga drivers ang bayad sa swab test.

“Napakabigat po niyan sa hanay ng transport sector, unang-una nag-deklara po ang ating pamahalaan na hindi naman po talaga voluntarily iyang vaccination.”dismayadong pahayag ni Rebaño sa Radio Veritas.

Umaapela din ang pangulo ng FEJODAP sa pamahalaan na unawain ang kalagayan ng mga manggagawang kabilang sa transport sector na matagal nang hindi nakapamasada.

Unang hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang bawat isa na isang moral na obligasyon ang magpabakuna laban sa COVID-19 para sa kaligtasan ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 64,726 total views

 64,726 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 86,836 total views

 86,836 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 162,442 total views

 162,442 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 161,720 total views

 161,720 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

 4,871 total views

 4,871 total views Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at

Read More »
Scroll to Top