Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 376 total views

Kapanalig, mas masigla na ang paligid  – mas marami ng mga negosyo ang bukas, mas marami ng mga mamamayan sa kalye. Ilang araw na lamang, pasko na. At pagpasok ng Disyembre, pihado, dama na natin ang Christmas rush.

Pero teka lang kapanalig, hinay hinay muna. Tingnan muna natin ang ating paligid. Sa unti-unting pagbangon ng bayan, tayo ba ay may naiiwan sa laylayan?

Ayon sa isang survey  mula sa United Nations Development Program at ng Zero Extreme Poverty 2030 na isang local NGO, marami pa rin tayong mga kababayan ang naghihirap. Bago pa man magka COVID 19, 90% na ng kanilang 18,000 respondents mula sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bohol, Eastern Samar, Sarangani, Bukidnon, at Sorsogon ay nakakaranas na ng kawalan ng kita—90% sa kanila ay may income na mas maliit pa sa P10,000 kada buwan at mga 60% naman ay may income na mas maliit pa sa P6,000 kada buwan. At ng dumating na ang pandemya at lockdowns, 75% sa kanila ay mas lalo pang nabawasan ang kita.

Kapanalig, mas marami ang naghihirap sa ating bayan ngayon. Buksan natin ang ating mga mata at tenga. Ang kanilang paghihirap ay natatabunan na naman ng pulitika ngayon, kaya kailangan mas lalo tayong maging mas mapagmatyag. Mas lalo natin silang maiiwanan kung magpapabulag tayo sa pulitika ngayon.

Ang susi sa pagtataguyod at pagbuo ng mas matatag na kinabukasan kapanalig, ay ang paninguro na lahat tayo ay kasama sa pagbangon. Walang saysay ang economic development na tumatapak sa karapatan at buhay ng maralita. Hindi sila latak, o sagigilid lamang sa ating lipunan. Sila ang ating pundasyon—ang mga manggagawa at maliliit na namumuhunan na nagbabanat ng buto upang maging kongkreto ang mga pinag-isang pangarap at mithiin ng bayan.

Isang paraan upang sila ay makabangon kapanalig, ay ang paniniguro ng social assistance at social protection. Kapanalig, ang social protection ay karaniwang first line of defense ng mga mamamayan sa panahon ng krisis, aberya, o pangangailangan. Halimbawa, karaniwan na pag ang isang empleyado ay may sakit, mayroon siyang mga benepisyo na magagamit gaya ng sick leaves at medical assistance. Ang mga impormal na manggagawa, wala nito. No work, no pay sila. Kaya’t ang mga maralitang nagkaroon ng COVID 19, wala silang choice kundi mag-absent at makaranas ng gutom sila at ang kanilang pamilya sa loob ng panahon na siya ay naka quarantine. Ganun din kapag panahon ng bagyo, o anumang emergency. Wala silang choice kundi kumayod pa rin.

Ang pagtatangi sa dukha, kapanalig, ay kasama sa ating misyon bilang Katoliko. Ito ay paraan natin upang mapadama sa lahat ang Kristong Hari, na nagkatawang tao upang isalba ang mga api. Ito ay alinsunod sa Deus Caritas Est, bahagi ng panlipunan turo ng Simbahan, na nagsasabi na sa komunidad ng mga nananalig, walang puwang ang kahirapan na nagnanakaw ng dignidad ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,342 total views

 25,342 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,430 total views

 41,430 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,095 total views

 79,095 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,046 total views

 90,046 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,960 total views

 31,960 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 25,343 total views

 25,343 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,431 total views

 41,431 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,096 total views

 79,096 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,047 total views

 90,047 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,824 total views

 92,824 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 93,551 total views

 93,551 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 114,340 total views

 114,340 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,801 total views

 99,801 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,825 total views

 118,825 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top