Mandatory vaccination sa onsite workers, tinututulan ng labor groups at transport sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Tinututulan ng labor groups at transport groups ang mandatory vaccination na ipapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga onsite workers na magsisimula sa December 01 2021.

Naninindigan ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines at National Federation of Labor Unions – Kilusang Mayo Uno na hindi makatarungan at pagpapahirap lamang sa mga manggagawa ang polisiya ng pamahalaan.

Tinawag din ng grupo na anti-workers ang “no vaccine, no pay scheme” ng DOLE at IATF.

“Yaan po ay hindi makatarungan na polisiya dahil may mga manggagawa na hindi nababakunahan dahil wala pa silang access sa napakadaming bakuna na sinasabi ng gobyerno.Ikalawa, mahirap kumuha ng slots sa mga local government units na mano-mano at manual ang rollout ng vaccination”.pahayag ni ni ALU-TUCP spokersperson Allan Tanjusay sa Radio Veritas.

Itinuturing naman ng NAFLU-KMU ang panuntunan na ang mga manggagawang hindi pa nakakapag-pabakuna ay sasagutin ang bayad sa RT-PCR o swab test kada ikalawang-linggo upang matiyak na ligtas sa COVID 19.

“Ang IATF Reso 148-B ay dadagdag sa gastusin ng mga manggagawa kung di pa sila bakunado. Bakit ang parusa ay doon sa mga manggagawang hirap na hirap pero patuloy na nag-aambag sa ekonomiya ngayong pandemya?,” pahayag ng NAFLU-KMU.

Tutol din si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association Of the Philippines President Ricardo Rebaño na sasagutin ng mga manggagawa at mga drivers ang bayad sa swab test.

“Napakabigat po niyan sa hanay ng transport sector, unang-una nag-deklara po ang ating pamahalaan na hindi naman po talaga voluntarily iyang vaccination.”dismayadong pahayag ni Rebaño sa Radio Veritas.

Umaapela din ang pangulo ng FEJODAP sa pamahalaan na unawain ang kalagayan ng mga manggagawang kabilang sa transport sector na matagal nang hindi nakapamasada.

Unang hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang bawat isa na isang moral na obligasyon ang magpabakuna laban sa COVID-19 para sa kaligtasan ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 148,830 total reads

 148,830 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 180,846 total reads

 180,846 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 214,970 total reads

 214,970 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 271,376 total reads

 271,376 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top