Manindigan sa mga teritoryo ng Pilipinas, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,525 total views

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga kabataan at mamamayan na gamiting inspirasyon ang paggunita ng Araw ng Kagitingan upang manindigan para sa mga teritoryo na inaangkin ng mga banyaga.

Ayon sa Obispo, ito ay upang mapalakas ang mga pagkilos at paninindigan ng mga Pilipino para sa inaangking West Philippine Sea ng China kung saan nananatiling banta ang mga imprastraktura at malalaking Chinese Coast Guard, Navy at Fishing Vessels.

Nasa araw po tayo ng kagitingan, ito po ay isang araw na paalalala po sa atin ng ating pagsasakripisyo ng mga kababayan natin sa kanilang Death March noong panahon ng giyera, ipinakita po nila at ng kanilang pagtitiyaga ang kanilang kagitingan na ipaglaban ang ating bayan,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Umaasa ang Obispo na ang Araw ng Kagitingan ay maging inspirasyon para sa mga kabataan na huwag mangamba at sa halip ay higit pang palawigin ang kanilang kaalaman hinggil sa usapan.

Hinimok din ng Obispo ang mamamayan na paigtingin ang pagkakaisa sa pananalangin upang i-adya ng Panginoon mula sa anumang kapahamakan ang mga mangingisda o uniformmed personnel na namamalagi sa West Philippine Sea upang maghanap-buhay o bantayan ang teritoryong pagmamay-ari ng Pilipinas.

Mayroon ding mga banta din sa ating bansa, pinakabanta ngayon ay yung sa West Philippine Sea na inaagaw ang ating karagatan kaya dito ay ipakita din po natin na nababahala po tayo at maging concern tayo sa mga bagay na ito, wag tayong magpatakot, wag manghina ang loob natin kahit na malaki ang kalaban basta mahalaga magkaisa ng pagpapahayag na hindi dapat aagawin ang ating bayan, ang ating teritoryo, ngayon din po ay sikapin po natin na magdasal para po sa ating bansa, pagkakaisa ng ating kapayapaan at ang ating komunidad, ang ating bayan, sana po hindi mawala ang kagitingan sa ating mga Pilipino,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Bilang pakikiisa naman ng mga sibiliyan para sa teritoryo, muling isinusulong ng Atin Ito: West Philippine Sea Movement! ang pagkakaroon ng ikalawang civillian led resupply mission sa lugar.
Layunin itong maidaos ngayong summer season upang ipakita sa mga Pilipino na mahalaga ang paninindigan at pagsuporta sa mga hakbang na itataguyod ang soberany ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 91,811 total views

 91,811 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 113,921 total views

 113,921 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 188,614 total views

 188,614 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 185,654 total views

 185,654 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radio Veritas, kinilala ni Bishop Santos

 6,494 total views

 6,494 total views Nagsisilbi ang himpilan ng Radyo Veritas bilang ilaw para sa mga Pilipino at mananampalatayang nangangailangan ng katotohanan tuwing nakakaranas ng sakuna, pangamba at

Read More »
Scroll to Top