Manlaban sa EJK, buo ang suporta sa healing campaign ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total reads

Sinuportahan ng koalisyon na Manananggol Laban sa Extra Judicial Killings o MANLABAN sa EJK na binubuo ng mga abogado, hukom at law students ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa “Lord, Heal Our Land Sunday” o pagsisimula ng “Start the Healing” campaign ng Simbahan sa EDSA Shrine.

Sa mensaheng ipinadala ni Atty. Edre Olalia – Secretary General ng Nation Union of People’s Lawyers at isa sa mga Convenor ng MANLABAN sa EJK ay inihayag nito ang buong pagsuporta ng koalisyon sa panawagan ng Simbahan na “Stop the Killings, Start the Healing” partikular na sa usapin ng drug related killings sa buong bansa.

“We, lawyers, law professors, judges and law students from the Manananggol Laban sa EJKs (MANLABAN), express our support to the call of Catholic bishops to “Stop the Killings, Start the Healing.” We strongly urge our colleagues in the legal profession to join the Filipino people on November 5 at the EDSA Shrine as we demand an end to extrajudicial killings.” Bahagi ng pahayag ng MANLABAN sa EJK Coalition.

Bukod dito, nanindigan rin ang mga kasapi ng MANLABAN sa EJK na bilang mga Legal practitioners ay kanilang isusulong ang kahalagahan ng karapatang pantao, kalayaan, dignidad at seguridad ng bawat mamamayan mula sa mga walang kabuluhang karahasan at pagpaslang sa bansa.

“As members of the legal profession we value the sanctity of human rights and the equitable rule of law. Hence, we will not remain silent in the midst of the attacks against the right to life, liberty, dignity and security of the people. Together with the Filipino people, we demand accountability for the perpetrators of these senseless killings.” Dagdag pa ng MANLABAN sa EJK.

Bilang paglulunsad sa “Start the Healing” campaign ng Simbahan magkakaroon ng misa sa Edsa Shrine ganap na alas 3 ng hapon na tinagurian bilang “Lord, Heal our Land Sunday” na pangungunahan ni CBCP President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Ang “Start the Healing Campaign” ay ang 33-araw na panalangin at panawagan sa pagrorosaryo na magsisimula sa ika-5 ng Nobyembre hanggang sa ika-8 ng Disyembre –kasabay ng kapistahan ng Solemnity of the Immaculate Concepcion para sa paghilom ng bayan sa gitna ng karahasang idinulot ng mga serye ng pagpasalang sa Anti-Illegal Drugs Campaign ng pamahalaan..

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,201 total reads

 4,201 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,553 total reads

 39,553 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,037 total reads

 76,037 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,248 total reads

 94,248 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,380 total reads

 178,380 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,832 total reads

 38,832 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top