Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mass for Frontliners, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 7,452 total views

Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang “mass for frontliners”.

Ang “mass for frontliners” ay alay ng Simbahang Katolika sa mga healthcare worker o medical frontliners na itinuturing na national heroes o pambansang bayani sa gitna ng nararanasang COVID 19 pandemic hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo.

Isasagawa ang mass for frontliners sa San Felipe Neri Parish, Mandaluyong city sa ika-15 ng Setyembre 2021 dakong alas-nuebe(9AM) ng umaga sa pangunguna ni Cardinal Advincula at Rev. Fr. Hans Magdurulang, kura-paroko ng parokya.

Ang mass for medical frontliners ay pagkilala at pagbibigay halaga sa mga health worker na itinataya sa panganib ang buhay para bigyang lunas at iligtas ang mga nahawaan ng corona virus disease.

Itinuturing man na mga bayani sa gitna ng pandemya, ay hindi naman binibigyan ng kasalukuyang administrasyon ng halaga at napabayaan ang kapakanan ng mga unang lumalaban para matugunan ang pandaigdigang krisis pangkalusugan.

Nakapaloob sa Bayanihan 1, 2 law at Administrative Order 36 ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang lahat ng pribado at pampublikong healthcare workers na tumutugon upang mapigil ang laganap na transmission ng COVID 19 ay makakatanggap ng Special Risks Allowance.

Ipinatupad ang S-R-A noong ika-17 ng Marso 2020, ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa rin naipagkaloob ng pamahalaan sa mga healthcare worker ang ipinangakong benepisyo.

Sa paggunita ng bansa ng National Heroes day noong August 28, 2021 ay kinilala at binigyang pugay ni Cardinal Advincula ang hindi matatawarang sakripisyo at pagtataya ng buhay ng mga healthcare workers upang sagipin ang mga nagkasakit ng COVID 19.

Sa panahong ito ng pandemya, itinuturing din nating bayani ang mga frontliners, lalo na ang mga medical workers. Sa ating paglaban sa Covid-19 virus, sila ay tunay na mga bayani. Ang buong bayan ay nagpapasalamat sa inyo,” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Live na mapapakinggan ang “mass for frontliners sa Radio Veritas846AM at mapapanood sa Veritas Facebook at Youtube channel, Archdiocese of Manila – Office of Communication, at TV Maria.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,893 total views

 88,893 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,668 total views

 96,668 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,848 total views

 104,848 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,345 total views

 120,345 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,288 total views

 124,288 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 4,124 total views

 4,124 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 7,845 total views

 7,845 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 67,313 total views

 67,313 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Laban kontra smuggling, palalakasin ng PCL

 26,644 total views

 26,644 total views Magiging mas epektibo ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling sa pagbuhay sa Philippines Customs Laboratory (PCL). Ayon kay Customs

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top