Archbishop Cabantan at Valles, pangungunahan ang canonical installation at episcopal ordination ni Bishop Pedregosa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 904 total reads

Higit pang palalaganapin ni Malaybalay Bishop-elect Noel Pedregosa ang misyon ni Kristo kasabay ng kanyang episcopal ordination sa Setyembre 14, 2021.

Ayon sa obispo, ang kanyang pagtanggap sa panibagong hamon bilang lingkod ng simbahan ay pasasalamat sa Panginoon sa kabutihang hatid nito sa diyosesis.

“Nais kong ipagpatuloy ang ebanghelisasyon, pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon sa diocese [Malaybalay] na sinimulan ng maraming misyonero unang una ng mga Augustinian Recollect at sinundan ng mga Jesuits,” pahayag ni Bishop-elect Pedregosa sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop-elec Pedregosa na makahulugan ang araw ng kanyang ordinasyon at canonical installation sapaglat kasabay ito ng kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal na sagisag ng ng tagumpay na hatid ni Hesukristo sa sanlibutan.

Sinabi ng Obispo na magandang pagkakataon din itong ialay sa Panginoon ang pasasalamat sapagkat ipinagdiwang ng simbahang katolika sa bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo.

“Panahon din ito ng kasiyahan at pasasalamat sapagkat hinirang ako ng Panginoon para maging pastol ng Malaybalay kasabay ng pagdiriwang ng 50 years as diocese at the same time 500 years of Christianity ng Pilipinas,” ani Bishop-elect Pedregosa.

Pangungunahan ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang ordinasyon at installation ni Bishop-elect Pedregosa katuwang sina CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles at Cotabato Archbishop Angelito Lampon.

Dadalo rin sa pagdiriwang si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, Fr. Carlo Del Rosario at ilang opisyal ng simbahan sa karatig diyosesis.

Bago ang banal na misa sa alas nuwebe ng umaga ay gaganapin ang liturgical reception sa alas 8:30; ang profession of faith at Oath of Fidelity to the Holy Father.

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 infection sa lugar ay 120 lamang ang pinahintulutang makadalo ng pisikal sa ordinasyon ni Bishop-elect Pedregosa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon at pagtalima sa alintuntunin sa ilalim ng Modified-ECQ status ng Malaybalay.

Patuloy na humihiling ng panalangin ang ikalimang obispo ng Malaybalay sa pagtupad sa misyong iniatang ng Inang simbahan ang pangangalaga sa mahigit isang milyong mananampalataya katuwang ang 100 mga pari.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,990 total reads

 15,990 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,887 total reads

 16,887 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,434 total reads

 33,434 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 70,811 total reads

 70,811 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,080 total reads

 102,080 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,191 total reads

 177,191 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 269,784 total reads

 269,784 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,992 total reads

 15,992 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top