May pag-asa pa ang karapatang pantao?

SHARE THE TRUTH

 691 total views

Mga Kapanalig, sa huling “social weather survey” ng Social Weather Stations o SWS, may aninag ng pag-asa tayong makikita. Mas nakararami ang nagsabing marami silang nakikitang pang-aabuso sa karapatang pantao sa pagtakbo ng giyera ng administrasyon laban sa illegal na droga o “war on illegal drugs”—76% ng kanilang mga kinausap sa survey. Malayo ito sa 24% ng mga Pilipinong nagsabing kaunti lamang ang nakikita nilang paglabag sa karapatang pantao ng mga tinatarget ng marahas na giyera ng pamahalaan laban sa droga.

Hindi na natin marahil naririnig sa mga “nagbabagang ulo ng mga balita” ang isyu ng pagpatay at paglalagay ng batas sa kamay ng mga tagapagpatupad ng batas sa tuwing nagsasagawa sila ng operasyon sa mga maralitang komunidad. At ito ang nakalulungkot dahil bagamat mas kaunti na ang mga kaso nitong mga huling buwan o taon, mayroon pa ring mga buhay na naisasantabi dahil sa giyerang sinimulan ng administrasyon bilang pagtupad sa pangakong mabubura ang droga sa ating bayan sa loob ng anim na buwan. Tatlong taon mahigit na ang administrasyon ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin natutuldukan ang problema nating ito. Tikom ang bibig ng mga masugid na tagasuporta ng pangulo sa kabiguan ng administrasyong mawala ang ilegal na droga sa bansa, bagamat may mga naniniwalang ang “golpe de gulat”, ‘ika nga, na nilikha ng kampanya kontra droga ay nagbunga ng pagkabawas sa bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ngunit masasabi nating aninag ng liwanag ang paniniwala ng mas nakararaming Pilipino na may mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng “war on drugs” ng administrasyon. Mahalaga ang datos na ito dahil may mga nakauunawa pa pala sa ating mga kababayan na may mali sa kung paano sugpuin ng pamahalaan ang problema natin sa droga. Nakikita nilang may mga biktima, may mga hindi nabigyan ng pagkakataong humarap sa batas upang ipagtanggol ang sarili at malitis nang patas. Makita rin sana nating hindi lamang ang mga duguang katawan ng mga biktima ang ating nakikitang patunay ng kawalan ng paggalang sa karapatang pantao sa ating bansa. Nariyan ang karapatan ng mga pamilyang kanilang naiwan—mga asawang nawalan ng katuwang sa buhay, mga anak na mas lumabo ang kinabukasan, mga pamilyang napilayan ang kabuhayan at dumaranas ng kabalisaan sa kanilang pag-iisip dahil sa karasahang nakita at trauma na kinikimkim nila sa kanilang kalooban.

Sinasabi sa Roma 13:1 ang tungkulin nating mga mamamayan sa mga pinuno ng bayan: “Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan, sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Diyos, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto.” Ngunit hindi ito nangangahulugan ng bulag na pagsunod sa ating mga lider. Sabi nga ni Pedro at ng iba pang mga apostol, gaya ng nasusulat sa Mga Gawa 5:29, “Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.” Hindi tayo inuudyukang sumuway o kumalaban sa mga inihalal ng bayan, ngunit dapat nating tandaang sa dulo ng lahat ay ang Diyos—ang Diyos ng buhay, ang Diyos ng katotohanan. Kung ang isang pamahalaan ay pinatatakbo ng mga taong walang pagkilala sa katotohanan ng karapatang pantao, masasabi pa ba nating galing ang kanilang awtoridad sa Diyos?

Mga Kapanalig, sa pagkilala ng marami sa atin sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng madugong “war on drugs”, masasabi nating kahit papaano ay may pag-asa pang umiral ang isang lipunang gumagalang sa karapatang pantao. Ngunit, gaya ng ng paalala ni Pope Francis sa Amoris Laetitia, ang kagustuhan nating igalang ang karapatan ng bawat isa sa atin ay hindi dapat humantong sa paghihiganti sa mga lumalabag nito kundi sa isang makatwirang pagtatanggol sa ating dignidad.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Proteksyon para sa mga magsasaka

 3,344 total views

 3,344 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »

Panagutin ang dapat panagutin

 14,465 total views

 14,465 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Patatagin ang Pamilya

 36,457 total views

 36,457 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Catechesis on Old Age

 45,555 total views

 45,555 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Pagtanda ng ating Populasyon

 57,470 total views

 57,470 total views Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada. Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 3,345 total views

 3,345 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 14,466 total views

 14,466 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 36,458 total views

 36,458 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catechesis on Old Age

 45,556 total views

 45,556 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtanda ng ating Populasyon

 57,471 total views

 57,471 total views Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada. Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalayaan mula sa pang-aapi

 62,724 total views

 62,724 total views Mga Kapanalig, Happy Independence Day! Mahigit isandaang taon na mula nang nakalaya ang Pilipinas mula sa pagsakop ng mga Kastila. Halos walumpung taon na rin nang tayo ay tuluyang naging bansa na malaya mula sa pagkakagapos ng mga banyaga. Pero taun-taon, tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan, lagi nating itinatanong: masasabi ba nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silent pandemic

 67,725 total views

 67,725 total views Mga Kapanalig, napapansin ba ninyong dumarami ang kabataang nagve-vape o gumagamit ng e-cigarette? Silent pandemic na nga raw ito para sa Department of Education (o DepEd). Ayon sa Global Youth Tobacco Survey noong 2019, 14% ng mga Pilipinong edad 13 hanggang 15 ay gumagamit ng e-cigarette. Katumbas ito ng halos isang milyong kabataan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan at ang ating hinaharap

 53,421 total views

 53,421 total views Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng Proclamation No. 237 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988, itinalaga ang buwan ng Hunyo bilang Philippine Environment Month. Layunin nitong itaas ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan at hikayatin tayong magsama-samang kumilos upang pigilan ang pagkasira nito. Ang tema ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Universal Health Care Law

 73,186 total views

 73,186 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2024 Job Losses

 86,752 total views

 86,752 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baka makalusot

 82,357 total views

 82,357 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Banta ng red-tagging

 80,070 total views

 80,070 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 84,325 total views

 84,325 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rigodon sa Senado

 36,811 total views

 36,811 total views Mga Kapanalig, tila drama ang nangyaring rigodon sa Senado dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress.  Bumaba sa pagiging Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri. Pinalitan siya ni Senador Francis Escudero. Hinala ni Senador Zubiri, nabigo raw siyang sundin ang ipinagagawa ng mga nasa itaas o ang “powers

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

No to “baby for sale”

 59,032 total views

 59,032 total views Mga Kapanalig, nasubukan na ba ninyong bumili ng gamit sa Facebook? Kahit hindi pa, siguradong nakakita na kayo ng samu’t saring bagay na ibinebenta sa social media app na ito. Sa Facebook na rin kasi nagnenegosyo ang ibang tao, sa lawak ba naman ng naaabot ng mga posts dito. Kaso, sa sobrang daling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top