182 total views
Hinimok ng Obispo ng Kalookan ang mga makikiisa sa “walk for life” na maging wholistic ang layunin sa pagtitipon sa Sabado ika-18 ng Pebrero sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, dapat maging panawagan din sa walk for life ang isyu ng environmental abuse na maituturing din na anti-life.
Inihayag pa ng Obispo na ang total war ay anti-life din maging ang capital punishment.
Iginiit ng Obispo na ipanawagan din ang pagtutol sa abortion, sa ilegal na droga at sa extra-judicial killing gayundin ang pagtutol sa giyera sa Mindanao at total war sa mga rebeldeng New People’s Army.
Umaasa si Bishop David na dalhing mensahe ng bawat sasali sa walk for life ang “yes to culture of life, no to culture of death”.
“Environmental abuse is anti-life, Total War is anti-life, Capital Punishment is anti-life!” Walk for life: no to abortion! No to drugs! No to EJK! No to total war in Mindanao! No to total war with communist rebels! Yes to resumption of peace talks! Yes to environmental preservation! Yes to rehabilitation of addicts! Yes to war against poverty! No to a culture of death! Yes to a culture of life! Participants might want to carry any of these messages.”
Umaabot na sa 10-libo ang nagparehistro na sasama sa walk for life sa Sabado ganap na 4:30 ng umaga hanggang alas otso ng umaga sa ika -18 ng Pebrero.