Talino at Merkado sa ASEAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 453 total reads

Kapanalig, may mga isyu sa ating bansa at sa ASEAN na kailangan ng ating agarang aksyon, lalo’t pa’t ang integrasyon sa rehiyon ay narito na.

Ang integrasyon sa ASEAN kapanalig, ay may mga dalang biyaya, ngunit may mga isyu rin itong pinalulutang, gaya ng brain waste at brain drain. Ano nga ba ang mga ito?

Ang brain waste, kapanalig, ay underutilization. Hindi ba’t nakikita natin ngayon at naranasan ang kahirapan ng paghahanap ng trabaho ng marami sa ating kababayan? Dahil sa kahirapan na ito, marami sa ating mga kababayan ang pumapatos sa mga trabaho kung saan sila ay overqualified.

Ang isyu na ito ay hindi nakikita ng mga policymakers sa rehiyon. Dahil dito, nasasayang ang kasanayan ng mga mamamayan, napupurol. Nasasayang ang invesments o puhunan na nilalagak sa pagpapayabong ng tao. Sa kahuli-hulihan, ang human capital o human resources—ang pangunahing yaman ng bansa—ay naluluma at nade-degrade.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bilang ng mga underemployed ang tumataas ngayon sa ating bansa, habang bumababa ang unemployed. Ang underemployed kapanalig, ay yaong mga nagtatrabaho na ngunit nais pang magtrabaho at mga overqualified para sa kanilang trabaho. Nasa 19.7% ito kapanalig noong January 2016, mas mataas pa noong January 2015 na nasa 17.9%.

Ang brain drain din kapanalig, ay isang isyu na maaring maka-apekto sa ASEAN integration at sa mga local na ekonomiya sa Asya. Ang brain drain ay ang pag-alis ng mga highly skilled at highly educated na mamamayan sa isang bansa upang magtrabaho sa ibang bansa na labas sa ASEAN at sa Asya. Ito ay isang malaking balakid sa paglago ng anumang ekonomiya.

Ayon sa datos ng Asian Development Bank, malaking bilang ng mga migrante mula sa ASEAN countries ang nagpupunta sa mga bansang kasapi ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nasa 1.7 milyong college graduates ang nasa OECD countries noong 2000. Tumalon na ito ng 2.8 million noong 2010. Mas marami kasing oportunidad para sa paglago sa mga OECD countries, kaya’t pihadong mas tataas pa ang bilang na ito.

Malaking hamon ito kapanalig sa mga ASEAN countries, lalo na sa ating bansa na tao ang nagiging pangunahing export product sa ngayon. Kapanalig, ang mga polisya ng ating bansa ay dapat hindi lamang kontrolado ng merkado. Ito dapat ay gumagalaw ayon sa panlipunang katarungan o social justice at pag-ibig, o charity.

Ang Mater et Magistra, bahagi ng panlipunang turo simbahan ay may mahalagang aral ukol dito: “Ang trabaho at ang sweldo ay hindi lamang dapat iwanan sa batas ng merkado. Hindi rin ito dapat base sa desisyon ng mga may hawak ng kapangyarihan. Ang trabaho at kita ay dapat ayon sa katarungan at sa pagkapantay-pantay ng tao.” Kapanalig, kapag ang isang bansa ay tuluyang papalaganapin ang ang hindi pagkapantay-pantay sa lipunan, ang mga isyu gaya ng brain waste at brain drain ay unti-unting kakain dito, at sa kahuli-hulihan, tayong lahat ang talo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,506 total reads

 65,506 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,079 total reads

 98,079 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,905 total reads

 199,905 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,463 total reads

 240,463 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,252 total reads

 258,252 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 65,507 total reads

 65,507 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,080 total reads

 98,080 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,906 total reads

 199,906 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,464 total reads

 240,464 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top