Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNP Chaplain Service, tututukan ang spiritual transformation ng mga pulis.

SHARE THE TRUTH

 455 total views

Magiging pro-active na ang pamamaraan ng Philippine National Police – Chaplain Service at ng Military Ordinariate of the Philippines sa pagtutok sa spiritual transformation ng mga kawani ng P-N-P.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Deputy Director Police Senior Superintendent Rev. Father Lucio Rosaroso Jr. dahil sumang-ayon si Pangulong Duterte sa retraining at pagpapadala sa mga police scalawag sa Mindanao kaya’t tututukan nila na mahubog ang makataong moralidad at pagpapahalaga ng mga otoridad sa tungkulin.

Sinisimulan na ng PNP-Chaplain Service ang paghuhubog ng matatag na ispiritwalidad ng mga kawani ng PNP sa training classes pa lamang ng mga bagong pulis at pagsi-seminar sa mga tiwaling pulis.

“ang nagyari kasi si President Digong, nagdecide ang ating Pangulo na huwag i-retraining so wala kaming magagawa .Instead of that we are going to school, pro-active na ito sa mga regular classes or subject ng mga police natin..” pahayag ni Father Rosaroso sa panayam sa Radio Veritas.

Nabatid sa tala ng PNP noong 2016, umaabot na sa 1,122 ang mga PNP Personnel na may kasong administratibo.

Bago suspendihin ang Oplan Tokhang noong buwan ng Enero ay tinatayang umaabot na sa higit 7-libong indibidwal ang namatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP-Chaplain Service at Military Ordinariate of the Philippines ang suporta sa layunin ng pamahalaan laban sa illegal na droga at pagtutok sa pagpapanibago ng pananaw ng nasa 180-libong mga kawani ng PNP sa kanilang misyon na lipunin ang mga masasamang loob sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 67,142 total views

 67,142 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 83,314 total views

 83,314 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 123,025 total views

 123,025 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 182,948 total views

 182,948 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 195,239 total views

 195,239 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top