Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

‘Hindi aircon ang kailangan ng mga bilanggo kundi maluwang na espasyo.’

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Ito ang pahayag ni outgoing Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi maituturing na ‘special privilege’ ang paglalagay ng mga aircon sa piitan ng mga high profile inmate na tumistigo laban kay Senador Leila de Lima.

Ayon pa Archbishop Arguelles,mas makabubuti kung palakihin ang espasyo ng mga bilangguan upang makapasok ang hangin at hindi sila makulob sa selda dahil na rin sa overcrowded.

Nabatid batay sa International Centre for Prison Sudies ika – 12 ang Pilipinas sa may pinaka – marami ang naka – bilanggo o katumbas ito ng 142, 168 na naitala noong Hulyo taong 2016.

Iginiit rin ng arsobispo na dapat ay mabigyan rin ng sapat na suplay ng tubig ang mga bilangguan upang mapanatili ang kanilang kalinisan.

“Halimbawang naka – aircon ay mas malaki ang gastos nun dapat paluwangin, maging more comfortable. Lalo na at kulang ang panligo nila ang tubig para maligo sila. Dapat may hygiene, may enough space, mayroong water panlinis hindi aircon. Ang aircon masisisra lamang sapagkat kung hindi sila naliligo ang baho ay mananatili sa loob.” pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, sinabi pa ni Archbishop Arguelles na para sa Simbahang Katolika ang bilangguan ay hindi larawan ng kaparusahan kundi ng pagbabagong buhay upang maibalik muli ang nagkasala sa lipunan at makapamuhay ng matiwasay.

“Sa Simbahan ang prisoners ay hindi para parusahan, hindi punitive kundi rehabilitative kailangan i – rehabilitate sila para maging mas mabuting mamamayan,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Veritas Patrol.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,175 total views

 17,175 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,263 total views

 33,263 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,983 total views

 70,983 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,934 total views

 81,934 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,605 total views

 25,605 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,056 total views

 63,056 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,871 total views

 88,871 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,658 total views

 129,658 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top