VeritasPH

The Word, The Truth

Mga aral mula sa administrasyong PNoy

SHARE THE TRUTH

 122 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo, nagulantang ang buong bansa sa biglaang pagpanaw ni dating pangulong Benigno Simeon Aquino III o “PNoy”. Bagamat alam ng publikong may mga iniindang karamdaman ang dating pangulo, nanatili siyang tahimik, lalo na nitong mga nakaraang buwan. Dahil dito, marami ang nagulat sa kanyang paglisan at maraming alaala ang nabalikan—mayroong mabubuti at mayroon ding hindi kagandahan.

Maraming nagbanggit sa mga maituturing na magagandang nagawa sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulo. Nariyan ang kampanyang sugpuin ang katiwalian, at ibalik ang pagiging lingkod-bayan ng mga nanunungkulan, gaya ng sinasabi ng kanyang mga slogan na “walang wang-wang” at “walang mahirap kung walang kurap”. Para sa mga ekonomista, naging susi ang pamumuno ni PNoy para sa magandang economic standing at mataas na gross domestic product growth ng bansa. Sa mga batas na nilagdaan ng dating pangulo, nariyan ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act noong 2012, Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, at Batas Kasambahay noong 2013. Itinuturing ding landmark ang pagdadala ng kanyang administrayon sa Permanent Court of Arbitration ng hidwaan sa China hinggil sa West Philippine Sea na naipanalo natin.

May mga nag-ungkat din sa mga kontrobersya noong panahon ng kanyang pamumuno. Nariyan ang Mamasapano massacre kung saan maraming sundalo ang namatay. Naging ugat ng kiskisan ng gobyerno sa Simbahan ang paglagda ni PNoy sa Reproductive Health Law. Inulan din ng batikos ang kanyang administrayon sa sinasabing mishandling sa naging epekto ng Bagyong Yolanda. Dagdag pa rito ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program na inihahalintulad sa pork barrel at hinusgahang unconstitutional ng Supreme Court noong 2013.

Walang perpektong pamumuno o liderato. Ang bawat administrasyon ay may ambag na liwanag at dilim sa bayan. Ang pagpanaw ni PNoy ay isang imbitasyon upang pagnilayan natin ang buhay ng ating bayan, lalo na’t malapit na ang eleksyon. Sa likod ng pagluluksa, hindi maiiwasang mahaluan ng pulitika ang pagpanaw ni Pnoy. Pero ang tanong: saan nga ba tayo patutungo?

Sa ating pagninilay, tandaan natin ang paalala ng panlipunang turo ng Simbahan na ang pangunahing layunin ng panunungkulan ay ang pagkamit ng kabutihang panlahat o common good. Ang pamumuno ay isang instrumento upang magkatulungan ang lahat sa kabila ng mga pagkakaiba-iba ng mga institusyon, grupo, at indibidwal patungo sa mas ganap na paglago at pag-unlad ng lahat. Ang pagiging lingkod-bayan—pangulo man ng bansa o kawani ng pamahalaan—ay dapat nakabatay sa hangaring unahin ang kabutihan ng taumbayan, hindi ang sariling interes o pagkauhaw sa kapangyarihan.

Gawin sanang panuntunan ng mga nagnanais maglingkod ang nakasaad sa Mateo 20:26-27: “Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo.” Mismong si Hesus ang nagpakita ng ganitong uri ng paglilingkod.

Ito ang katangiang dapat nating hanapin sa ating mga lider. Isaisip din nating walang pamunuan kung walang pinamumunuan. Ibig sabihin, kahabagi tayo sa kahit kaninong administrasyon. Mayroon tayong ambag sa bawat dilim at liwanag, at ang kawalang-pakialam sa ating lipunan ay laging may epekto sa lahat. Panghawakan natin ang mahalagang papel ng bawat isa sa atin sa darating na eleksyon at sa pang-araw-araw na desisyong pinipili nating makilahok o hindi sa pulitikal na buhay ng ating bayan.

Mga Kapanalig, ipinalangin natin ang kapayapaan ng kaluluwa ng yumaong si PNoy. Nawa ay maging makabuluhan sa atin ang mga aral na maaaring mapulot sa mga tagumpay at kabiguan ng kanyang administrasyon. Sa huli, piliin nating matuto sa mga leksyon ng nakaraan, makilahok, at kumilos upang madagdagan ang liwanag sa ating bayan, sinuman ang nasa pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,312 total views

 2,312 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,298 total views

 18,298 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,343 total views

 26,343 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,423 total views

 31,423 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,129 total views

 37,129 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 2,314 total views

 2,314 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 18,300 total views

 18,300 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 26,345 total views

 26,345 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,425 total views

 31,425 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,131 total views

 37,131 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,240 total views

 44,240 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,165 total views

 41,165 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,479 total views

 55,479 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,169 total views

 59,169 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,772 total views

 57,772 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,759 total views

 67,759 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,727 total views

 71,727 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,614 total views

 82,614 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,053 total views

 95,053 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,811 total views

 105,811 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top