Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga kabataan, naninindigan sa tama- ayon sa madre

SHARE THE TRUTH

 275 total views

“Manindigan sa tama.”

Ito ang mensahe ni Sr. Mary John Mananzan, dating executive director of Institute of Women’s Studies based in the all-girls school, kaugnay sa mga kilos-protesta ngayon ng mga estudyante partikular na ang mga kababaihan na may kinalaman sa sorpresang paghihimlay kamakaialan sa mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Nilinaw din ng madre na hindi sila namimilit ng mga estudyante para magprotesta sa lansangan sa halip humingi sila ng permiso sa mga magulang ng mga ito na ang iba ay pinayagan.

“Wala sa amin ang namimilit, sinulatan namin ang mga parents, kung ayaw ng bata hindi namin pipilitin, hindi patakaran ng eskuwelahan na pilitin ang kanilang estudyante,” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng Radio Veritas.

Pahayag pa ng madre na dating chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP), naging ‘blessing in disguise’ din ang blog ng isang estudyante ng College of St. Scholastica dahil nasa 1, 200 iba pa ang sumali at nakilahok dito na nagpapahayag ng suporta sa mga itinuturo sa kanila ng eskuwelahan may kinalaman sa critical thinking, social responsibility at social transformations.

“Blessing in disguise biglang nagising ang mga estudyante, imagine sa isang blog ng isang estudyante 1,200 ang sumali na sinasabi lahat “I am proud to be Scholastican”, dahil ang itinuturo sa amin critical thinking, social responsibility at social transformations, I am so proud of them,” ayon pa sa madre.

Kaugnay nito, ayon kay Sr. Mananzan dapat isinulat sa History books ang karumal-dumal na idinulot ng Martial Law sa taong bayan upang mamulat ang mga kabataan ngayon sa usapin kung bakit hindi dapat inilibing si Marcos sa LNMB.

“It is a failure of our generation, dapat isinulat yan sa mga history books, dapat nalagay yan sa curriculum, in our stand privately, kapag nag-uusap kami tungkol sa injustice nababanggit naming talaga ang Martial Law, dapat ito ay nasa curriculum requirements,” ayon pa sa madre.

Mamayang alas 4:30 ng hapon, magsasagawa na ng noise barrage, candle lighting at marcha ang grupo ni Sr. Mananzan kasama ang kanilang mga kapanalig habang bukas, November 25, 2016 ay makikibahagi din sila sa Friday Black Protest na isasagawa sa Luneta sa Maynila.

Nitong nakaraang Biyernes nang maihimlay si Marcos sa LNMB na dahilan ng sunod-sunod na protesta ng mga hindi sang-ayon dito sa pagsasabing hindi bayani ang dating Pangulo sa halip nagdulot ito ng pasakit sa bayan noong Martial Law kung saan higit sa 70,000 ang ikinulong higit 30,000 ang biktima ng torture at higit sa 3, 000 ang pinatay.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,546 total views

 29,546 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,263 total views

 41,263 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,096 total views

 62,096 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,516 total views

 78,516 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,750 total views

 87,750 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 84,692 total views

 84,692 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 83,776 total views

 83,776 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 31,054 total views

 31,054 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 31,065 total views

 31,065 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 31,068 total views

 31,068 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top