Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 260 total views

Ang mga kasambahay ay karaniwan nating sinasawalang-bahala. Ngunit kung wala sila, masisira ang pang-araw na araw na routine ng maraming pamilyang Filipino. Kapag wala sila, hindi makakapag-trabaho ng maayos at made-delay ang mga proyekto at mga gawain ng maraming mga manggagawa at empleyado. Kung walang kasambahay, walang suporta ang mga magulang sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Kung wala sila, madumi ang bahay, pati kasuotan. Hindi man natin aminin, ang mga kasambahay ay mahalagang bahagi ng ating pang-araw araw na buhay.

Kaya lamang sa ating bayan, marami pa ring mga kasambahay ang hindi nakakatatamo ng kanilang mga karapatan bilang mga marangal na manggagawa ng bayan. Sa katunayan, maraming mga pagkakataon kung kailan ang kanilang mga karapatan ay ni hindi kinikilala.

Ayon sa isang survey ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Philippine Statistics Authority (PSA), 50,000 sa 1.5 milyong kasambahay sa ating bansa ay mga minors. At sa bilang na ito, mga 4,900 ang nasa edad 15 pababa. Maliban pa dito, 35,000 lamang sa mga kasambahay sa bayan ang may pormal na kontrata. 1.4 milyon naman sa kanila ay wala pa ring social protection.

Kapanalig, moderno na ang panahon – ang mga mapanikil at makalumang pang-aalipin na nakasanayan noong sinauna ay dapat nawaglit na at naging leksyon na sa atin sa pagdaan ng panahon. Sa sitwasyon ng maraming kasambahay ngayon, tila sila ay nakatali sa modern-day slavery, at marami sa kanila, musmos pa nagsisimula.

Ang ating mga kasambahay ay mga anghel ng tahanan, at dapat nating tratuhin sila gaya ng nais natin na pagtrato sa ating sarili. Hindi sila nagtrabaho malayo sa kanilang pamilya upang maging alipin lamang ng ating pamilya. Sila ay marangal na nagbibigya na serbisyo sa pamilya mo. At gaya ng mga manggagawa at empleyado, kailangan nila na may kontrata, malinaw at angkop na mga gawain, tamang panahon ng pahinga, at nararapat na sweldo at benepisyo.

Ayon sa Rerum Novarum, sa mata ng lipunan, ang interes ng lahat, kahit pa mahirap o mayaman, ay pantay-pantay. Ang manggagawa ay pareho rin ang mga karapatan sa alta. Sa ating pakiki-harap sa ating mga angels ng tahanan, kapanalig, huwag natin kalimutang tulad mo, kawangis nila ang ating Panginoon. Kailan nating masiguro ang kanilang kapakanan, gaya rin ng pagsisiguro natin sa ating kagalingan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,927 total views

 15,927 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,887 total views

 29,887 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,039 total views

 47,039 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,258 total views

 97,258 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,178 total views

 113,178 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Witch hunt?

 15,928 total views

 15,928 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,888 total views

 29,888 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,040 total views

 47,040 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,259 total views

 97,259 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,179 total views

 113,179 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 126,988 total views

 126,988 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 121,103 total views

 121,103 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 101,694 total views

 101,694 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 102,421 total views

 102,421 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »
Scroll to Top