Diocese of San Pablo, dumaranas ng financial difficulties sa COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Inihayag ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna na malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga parokya sa diyosesis dahil sa ipinatupad na mga limitasyon sa bilang ng mga maaaring dumalo sa mga banal na liturhiya.

Sa Pastoral Visit On-Air ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico sa himpilan ng Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo na bukod sa pagsasagawa ng online live streaming ng mga banal na misa ay lubos rin naapektuhan ang mga parokya dahil sa pangangailangang pampinansyal.

Ayon sa Obispo, marami sa mga mas malalaking parokya sa diyosesis ang tumutulong sa mga maliliit na parokya kung saan nagsagawa rin ng online fundraising concert event para sa mga maliliit at mahihirap na parokya ang diyosesis noong nakalipas na taon.

Pagbabahagi ni Bishop Famadico sa kabila ng krisis na idinulot ng pandemya maging sa mismong mga Simbahan ay nagpapasalamat naman ang diyosesis sa Caritas Manila na nagsilbing daan upang patuloy na magsilbing daluyan ng biyaya at pag-asa ng mga mananampalataya ang Diocese of San Pablo.

“Palagay ko yung adjustment ay pare-pareho sa lahat ng mga parishes dahil nga limited yung church-goers numbers ay di halos lahat ng parokya namin ay naka-live stream, mga misa namin at sa pangangailangan naman ng mga parokya yung mga malalaking parokya ay tumutulong sa mga mas maliliit at nagkaroon din kami ng concert para makatulong sa mga maliliit. Yun namang sa mga tao ay malaki ang tulong nung Caritas Manila dahil katulad sa ibang mga dioceses within the suffragan of Manila ay yung tig-P1,000 na gift certificate ay marami din po ang naibigay sa amin.” pahayag ni San Pablo Bishop Famadico sa Radio Veritas.

Bukod sa naging epekto ng COVID-19 sa mga parokya sa diyosesis, malungkot na ibinahagi rin ng Obispo na dalawa sa mga pari ng Diocese of San Pablo ang pumanaw dahil sa sakit.

Sa kasalukuyan inihayag rin ni Bishop Famadico na nananatili ang pagpapatupad ng istriktong mga polisiya sa lalawigan ng Laguna bilang pag-iingat mula sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon sa Obispo, kabilang sa istriktong polisiya sa lalawigan ang pagpapahintulot sa tanging 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan kung saan nakasalalay sa mga lokal na pamahalaan kung pahihintulutan ang hanggang sa 30-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan.

“By the fact na kami ay medyo istrikto pa rin ay nangangahulugan na marami pa ring cases dito in fact ang capacity sa Simbahan ay nanatiling 10% pero kung papayagan naman ng local authority ay pwede na kaming mag-30%.” Dagdag pa ni Bishop Famadico.

Ibinahagi naman ni Bishop Famadico ang pagsusumikap ng mga Simbahan sa diyosesis na patuloy na maging daluyan ng pag-asa at biyaya sa pamamagitan ng mga Community Pantries at ng Caritas Kindness Stations sa iba’t ibang mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 83,243 total reads

 83,243 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 177,497 total reads

 177,497 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 221,765 total reads

 221,765 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 244,874 total reads

 244,874 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 316,247 total reads

 316,247 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top