Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasilidad ng simbahan sa diocese of Legazpi, binuksan para maging quarantine at isolation facility ng COVID 19 positive

SHARE THE TRUTH

 379 total views

Tiniyak ng Diocese of Legazpi ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 hindi lamang sa probinsya ng Albay kundi maging sa buong Bicol Region.

Ayon kay Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon, sadyang nakababahala ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya at mga karating lugar kung saan puspusan rin ang isinasagawang hakbang ng diyosesis upang matiyak na masunod ng mga Simbahan at mananampalataya ang mga safety health protocols bilang pag-iingat sa pagkalat ng sakit.

Pagbabahagi ng Obispo, kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng diyosesis ay ang pagbabawas ng mga gawaing pansimbahan bilang pagsunod na rin sa payo ng lokal na pamahalaan.

“Medyo tumataas ang bilang ng COVID-19 cases din namin dito, medyo alarming nga ito kasi hindi ito datirating nangyayari, so dito sa Legazpi we are trying our best to observe as much as we could the social protocols that are supposed to be in place and we are trying to monitor kapag sinabi ng gobyerno na babawasan namin ang activities sa Simbahan binabawasan namin yun ngayon.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod sa pagbabawas ng mga gawaing pansimbahan ibinahagi rin ni Bishop Baylon ang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa pagbubukas ng ilang pasilidad ng diyosesis upang magsilbing quarantine at isolation facility ng mga nagpositibo sa COVID-19.

“Nakikipag-ugnayan kami ng lubusan with government especially in terms of whatever facilities we can offer for quarantine and isolation sa mga nagka-COVID-19, yung mga positive na COVID-19 cases.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Una na ngang napagdesisyunan ng Diocesan Covid-19 Committee at Board of Consultors ng Diocese of Legazpi ang pagpapaliban sa nakatakdang Third Diocesan Pastoral Assembly (DPA3) ng diyosesis dahil sa muling pagtaas ng kaso ng sakit sa probinsya kung saan mula sa orihinal na petsa ng pagtitipon sa ika-29 hanggang ika-30 ng Hunyo ay itinakda na ito sa ika-6 hanggang ika-7 ng Agosto.

Tema ng Third Diocesan Pastoral Assembly (DPA3) ng Diocese of Legazpi ang “Gifted to Give: Freely you have received, freely give. (Mt. 10,8)” na bahagi ng patuloy na paggunita ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa.

Batay sa pinakahuling COVID-19 Regional Case Summary ng Department of Health – Bicol Center for Health Development, mula Marso noong nakalipas na taong 2020 hanggang ika-16 ng Hunyo ng kasalukuyang taon umaabot na sa 15,494 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region kung saan sa kasalukuyan ay may 5,213 ang active cases.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,522 total views

 72,522 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,297 total views

 80,297 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,477 total views

 88,477 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,075 total views

 104,075 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,018 total views

 108,018 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,072 total views

 23,072 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,742 total views

 23,742 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top