Archdiocese of Jaro, hiniling ang tulong ng IATF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Humiling ng tulong ang Archdiocese of Jaro sa national government para masugpo ang mabilis na pagkalat ng coronavirus sa lugar.

Sa liham ni Archbishop Jose Romeo Lazo na ipinadala kay IATF Chairman at Department of Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr inilahad ng arsobispo ang malaking kakulangan sa manpower at medical supplies sa lalawigan para tugunan ang tumataas na kaso ng mga nahawaan ng COVID-19.

“We are asking your good offices for support – nurses, COVID medicines, beds, ventilators and vaccines. The hospitals are hitting maximum capacity and the health care related debts are swelling,” bahagi ng liham ni Archbishop Lazo.

Kinilala ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagtugon sa pandaigdigang krisis pangkalusugan kaya’t pinasalamatan nito ang pagsusumikap na mawakasan ang pandemya at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Sa monitoring ng Iloilo City Government nasa 3, 535 ang kabuuang kaso ng nahawaan ng COVID-19 sa lungsod kung saan 1, 765 ang aktibong habang 79 ang nasawi.

Naniniwala si Archbishop Lazo na malaki ang maitutulong ng mga tanggapan ng national government lalo na nina Duque at Galvez para mapigilan ang higit na pinsala dulot ng virus sa mamamayan.

“In your respective posts of public duty, many things can be done and great difference can be made for our brothers and sisters who are struggling in the hospitals as of this writing. We knock at heaven’s door for mercy and help,” ani Archbishop Lazo.

Sakop ng arkidiyosesis ang Iloilo City, lalawigan ng Iloilo at Guimaras kung saan nasa 2.2 milyon ang bilang ng mga katoliko o katumbas sa mahigit 80 porsyento sa 2.7 milyong populasyon.

Nang magsimula ang pandemya noong 2020, puspusan na ang pagkilos ng arkidiyosesis sa pangunguna ng social action center para tulungan ang mga labis naapektuhan ng iba’t ibang antas ng community quarantine.

Pinasalamatan naman ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas si Archbishop Lazo at ang pamunuan ng arkidiyosesis na aktibong nakikiisa sa kampanyang sugpuin ang paglaganap ng virus sa kanilang lugar.

Patuloy ang panawagan ng arsobispo sa mananampalataya na higit kumapit sa pag-asang hatid ng Panginoong Hesus sa bawat isa at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng mamamayan sa banta ng COVID-19.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,106 total reads

 11,106 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,410 total reads

 12,410 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,188 total reads

 26,188 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,566 total reads

 63,566 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,836 total reads

 94,836 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,383 total reads

 170,383 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,346 total reads

 263,346 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,109 total reads

 11,109 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top