Pairalin ang konsensiya at pagmamahal sa bayan, panawagan ng pangulo ng Caritas Philippines sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,377 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas ng bansa na pairalin ang konsensya, katotohanan, at pagmamahal sa bayan higit sa anumang partidong pampulitika o pansariling interes.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, kaugnay sa kasalukuyang tensyong pampulitika na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Bishop Alminaza na siya ring Pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, mahalagang manaig ang pagiging makatarungan, patas, at tapat ng mga lingkod-bayan sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa sambayanang Pilipino at sa Saligang Batas.

“Ang ating panawagan sa ating mga mambabatas ay pairalin ang konsensya, katotohanan, at pagmamahal sa bayan higit sa anumang partidong pampulitika o pang-sariling interes. Nawa’y maging makatarungan, patas, at tapat sila sa kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan at sa Saligang Batas,”
Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang tunay na lingkod-bayan ay inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes at kapangyarihan na maipapakita sa pamamagitan ng integridad, malasakit sa mahihirap at inaapi at kakayahang managot sa mga maling nagawa sa laban sa tiwalang ipinagkaloob ng taumbayan.

“Ang tunay na lingkod-bayan ay inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes o kapangyarihan. Nakikita ito sa integridad, transparency, kakayahang managot, at malasakit lalo na sa mahihirap at naaapi,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag din ni Bishop Alminaza ang suporta ng Caritas Philippines sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagsusulong ng accountability at transparency sa pamahalaan.

Giit ng Obispo, ang proseso ng impeachment ay isang naaangkop na pagkakataon para sa Bise Presidente upang patunayan ang kanyang integridad at malinawan ang publiko sa pamamagitan ng pagbubunyag ng katotohanan.

“Kaya nga suportado tayo dun sa impeachment process kasi opportunity yan sa ating Bise Presidente na kung talagang naniniwala siya na wala siyang pagkakamali, patunayan niya sa Korte sa nararapat na forum,”
Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa popularidad kundi sa tapat na paglilingkod na may pananagutan at pagiging bukas sa taumbayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,513 total reads

 63,513 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,401 total reads

 142,401 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,846 total reads

 175,846 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,145 total reads

 211,145 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,094 total reads

 435,094 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top