Mga Misyonero, kinilala ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 903 total views

Binigyan pagkilala ng simbahan ang mga binyagan bilang mga pangunahing misyonero sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, chairman ng Mission ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hindi ang mga pari at madre ng simbahan kundi ang mga layko ang may mahalagang gampanin sa Missio Ad Gentes na buong taong ipagdiriwang ng simbahang katolika sa paghahanda ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

“Hindi lamang mga pari kundi tayong lahat na mga layko lalu na ang mga Filipinong nasa ibayong dagat. They are in effect our missionaries to the mission kasi sila ang nasa frontier, sila yung talagang, kung makikita mo naman talagang mga Filipino sa ibang bansa sila ang nagbibigay ng buhay sa simbahan. So, in effect they are the living witness to our Christian faith,” ayon kay Bishop Mesiona sa programang Pastoral visit-on-air sa Radyo Veritas.

Sinabi ng mga layko ang pangunahing nagbibigay ng patotoo sa mga biyayang dulot ng pananampalataya kay Kristo.

Pinuri ni Bishop Mesiona ang mahalagang ginagampanan ng mga Overseas Filipino Worker sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagbibigay buhay sa simbahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pananampalataya sa kanilang mga pinaglilingkurang bansa.

Sa tala, may higit sa 10-milyon ang bilang ng mga O-F-W na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa pagdiriwang na may temang Gifted to Give ay isa itong hamon na higit pang maging masigasig ang bawat binyagan na ipalaganap ang ebanghelyo ni Hesukristo.

“So ang gusto nating mangyari na this historic event ang magiging bunga nito ay na tayo we received the gift of faith na sana maging masigasig din tayo na magbahagi nito,” ayon sa obispo.

Kasabay nang pagsisimula ng adbiyento, inilunsad din ng CBCP-Episcopal Commission on Mission ang Missio Ad Gentes ang pinakahuling paksa para sa pagdiriwang ng simbahan sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 90,349 total views

 90,349 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 112,459 total views

 112,459 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 187,198 total views

 187,198 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 184,366 total views

 184,366 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top