Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Minimum na sahod sa lahat ng manggagawa, ipatupad

SHARE THE TRUTH

 354 total views

Iminungkahi ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na ipatupad muna ang minimum na sahod bago isulong ang panukala sa senado na pagbibigay ng 14th month pay na may katumbas na isang buwang sahod sa pribadong sektor.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, tinutulan nito ang panukalang batas na nais ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto na bigyan ng karagdagang isang buwang bonus bukod pa sa natatanggap na 13th month pay ang mga rank and file employees o iyong mga wala sa managerial positions.

Paliwanag ni Bishop Pabillo limitado lamang ang makikinabang sa naturang bonus pay habang naisasakripisyo naman ang matagal ng hinihiling ng mga manggagawa na taasan ang kanilang sahod.

“Ang una nating gagawin muna ay dapat bigyan atleast ipatupad yung minimum wage. Ipatupad yung minimum wage at pagkatapos walk towards living wage para sa lahat. Yung ganyan ilan ang tatamaan niyan kung ibibigay ang 14th month pay kung hindi pa name – minimum ang lahat ng tao. Yan muna ang seryosohin nila,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas.

Ipinunto rin ng obispo na iwaksi na ang “regionalization” na hindi makatarungan ang “minimum wage rate” ng ilang mga rehiyon at hiniling nito na ipatupad ang minimum na sahod sa lahat ng probinsya na makabubuhay o “living wage”.

“Alam natin na ang living wage ay mga P1 thousand a day yung ating minimum ngayon ay P491 lang. Paano na gagawin yan at sana yung ating minimum wage ngayon ay hindi na regional ngunit sa lahat sa buong bansa. Kasi tumataas ang presyo ng lahat, kaya ngayon by regionalization ang ibang mga region ay napakaliit ng kanilang minimum na hindi nga napapatupad,” giit pa ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Sa ulat ng Ibon Foundation, kinakailangan ng bawat manggagawa ang P750 national minimum wage upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya.

Naitala rin nito na umabot lamang sa P77 ang itinaas na minimum wage sa National Capital Region mula P404 noong July 2010 sa P481. Ito na ang pinakamababang naitalang pagtaas ng sahod mula pa taong 1990.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 133,093 total views

 133,093 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 140,868 total views

 140,868 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 149,048 total views

 149,048 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 163,715 total views

 163,715 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 167,658 total views

 167,658 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 39,914 total views

 39,914 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »
Economics
Veritas Team

Kaligtasan ng IDPs, binigyang halaga

 38,889 total views

 38,889 total views Sumentro sa pagtataguyod ng karapatan ng mga internally displaced persons at kahandaan sa gitna ng sakuna ang paggunita sa International Day for Disaster

Read More »
Economics
Veritas Team

OFW bank, suportado ng CBCP-ECMIP

 39,019 total views

 39,019 total views Ikinatuwa ng Catholic Bishops conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Economics
Veritas Team

Sariling komisyon ng mga matatanda

 38,998 total views

 38,998 total views Ito ang hiling ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines, Incorporated sa pamahalaan. Ayon kay FSCAP National Capital Region President Jorge

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top