Modernisasyon ng DOLE, pinasimulan ni Tolentino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total views

Isinusulong ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang higit na modernisasyon sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang mapabilis at maisaayos ang paghahatid ng katarungan para sa mga manggagawa.

Sa kanyang pagbisita sa tanggapan ng NLRC, nakipagpulong si Tolentino kay NLRC Chair Grace Maniquiz-Tan at iba pang opisyal upang talakayin ang mga hakbang na magpapalakas sa kasalukuyang sistema ng komisyon.

Giit ng kalihim, hindi niya layuning baguhin ang maayos nang operasyon ng NLRC kundi magdagdag lamang ng mga pagbabago upang higit pang mapabuti ang serbisyo nito.

“”[I am] not overhauling the existing functioning, well-oiled system, but adding some 2%, 3% of innovation, which is part of my DNA… without disrupting what you are doing,” ayon sa mensahe ni Tolentino na pinadala ng DOLE sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga plano ng kalihim ang pagtatatag ng National Academy for Labor Justice na magsisilbing sentro ng pagsasanay para sa mga labor arbiter, commissioner, at mga abogado ng DOLE upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagresolba ng mga kaso sa paggawa.

Suportado rin ni Tolentino ang plano ng NLRC na magbukas ng mga satellite office sa mga lokal na pamahalaan, partikular sa mga lugar na may mataas na bilang ng labor cases tulad ng National Capital Region, Central Luzon, at CALABARZON Region.

Binigyang-diin pa ng kalihim ang pagpapalawak ng Government Internship Program (GIP) ng DOLE sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga unibersidad upang maitalaga ng mga law at information technology students bilang mga paralegal at IT personnel na tutulong sa operasyon ng NLRC.

Ayon kay Tolentino, mahalagang magkaisa ang lahat ng sektor upang matiyak na mabilis, naayon , at maaasahan ang sistemang naghahatid ng katarungan sa mga manggagawang Pilipino.

“We hope we can move as one, in single cadence, in making sure that what you are doing is what the Filipinos should expect and secure,” bahagi pa ng mensahe ni Tolentino na pinadala ng DOLE sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, kahanay ang adbokasiya ni Tolentino sa Laborem Exercens na ensiklikal ni Saint John Paul II at Rerum Novarum na ensiklikal naman ni Pope Leo XIII na pinaigtingn na pagkilala at pagpapahalaga ng Simbahang Katolika sa pagtataguyod ng katarungan sa paggawa at ang pagtiyak na napapangalagaan ang dignidad at karapatan ng bawat manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 31,604 total views

 31,604 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 40,968 total views

 40,968 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 67,424 total views

 67,424 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 116,933 total views

 116,933 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 120,029 total views

 120,029 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top